Madalas na pag-ihi sintomas ng paglaki ng prostate: doktor | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Madalas na pag-ihi sintomas ng paglaki ng prostate: doktor

Madalas na pag-ihi sintomas ng paglaki ng prostate: doktor

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 13, 2019 03:08 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Normal umano para sa mga lalaki na makaranas ng prostate enlargement o iyong paglaki ng prostate habang tumatanda.

Ang prostate ay isang gland sa ilalim ng pantog na gumagawa ng likido (fluid) na sumusuporta sa sperm ng lalaki, ayon sa urologist na si Dr. Bibly Macaya.

"Pagdating ng lalaki sa edad na 50 years old, lumalaki iyong prostate. Ito ay gawa ng hormone na testosterone at ito ay nasa dugo ng lalaki," sabi ni Macaya sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

Nasa 40 to 60 gramo ang karaniwan umanong bigat ng lumaking prostate pero may mga pagkakataong lumalaki ito ng hanggang 200 gramo na maituturing na "sobra na."

ADVERTISEMENT

Isa sa mga sintomas ng paglaki ng prostate ay ang madalas na pag-ihi.

"Instead of every 4 hours, nagiging 1, 2 oras na lang. Tapos 'yong urgency, 'yong di niya mapipigil kapag nagsimula na 'yong kaniyang urge to urinate," ani Macaya.

May mga pagkakataon din umanong ilang beses magigising sa gitna ng gabi ang lalaki para umihi.

"Pakaunti-kaunti, pabugso-bugso ['yong pag-ihi] tapos kailangan niyang i-strain, i-iri at pakiramdam niya ay may natitirang ihi sa kaniyang pantog," ani Macaya.

Nasa 20 porsiyento ng mga lalaki ang hindi nararamdaman ang mga nabanggit na sintomas ng paglaki ng prostate.

Puwede raw matukoy ng mga doktor kung lumalaki ang prostate sa pamamagitan ng rectal exam, ultrasound, at pagkuha ng prostate-specific antigen (PSA) blood test.

May ilang palatandaan din para mairekomenda umano ng mga doktor ang pagpapaopera ng prostate gaya ng pagbigat nito ng 80 gramo pataas at pagkakaroon ng bato.

Mayroon ding mga gamot para paliitin ang prostate gaya ng dutasteride at finasteride.

Nagbabala si Macaya na maaaring maapektuhan ng 2 gamot ang reproductive organ ng lalaki gaya ng pagkakaroon ng erectile dysfunction.

Puwede ring gumamit ng mga alpha blocker pangontra sa madalas na pag-ihi, ani Macaya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.