Kasaysayan, kultura ng Pilipinas tampok sa online animated series | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kasaysayan, kultura ng Pilipinas tampok sa online animated series

Kasaysayan, kultura ng Pilipinas tampok sa online animated series

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 12, 2022 07:13 PM PHT

Clipboard

Tinatalakay sa online animated series na
Tinatalakay sa online animated series na 'The Filipino Story' ang kasaysayan at kultura ng mga Pilipino. Screengrab mula sa YouTube video

Mula sa pagdating ng mga ninuno, paglalakbay gamit ang mga balangay, ang ipinagmamalaking bayanihan spirit, at iba pa, itinampok ng isang animated series ang kasaysayan at kulturang Pinoy na pinamagatang "The Filipino Story".

Layon nitong maipakilala ang kuwento ng Pilipinas sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Ayon sa mga nasa likod ng serye na mapapanood sa YouTube, ginawa ang animation upang maipakilala ang kultura ng bansa sa mga kabataang Pinoy na lumaki sa Amerika at maitama ang mga maling paniniwala.

Hindi umano biro ang produksiyon dahil ilang buwan ang inaabot bago mabuo ang isang episode, ani Tony Olaes, founder ng The Filipino School na gumagawa ng serye.

ADVERTISEMENT

"This is a labor of love for this team. Every single word is painstakingly put in. We are trying to condense it all in a such a short time and tell the story the way we need to tell it," ani Olaes.

May 6 na bahagi ang "The Filipino Story".

Watch more News on iWantTFC

Upang matiyak na tama ang bawat ibabahaging kuwento, kasali sa proyekto ang mga eksperto gaya ng manunulat na si Alex Lacson, filmmaker na si Manny Logronio at historian na si Xiao Chua.

"Talagang ito ay binuo bago ilatag sa ating mga mamamayan para maging pulido, kumbaga kumurot sa puso kasi ito ay tumpak, tama, at makabuluhan," ani Chua.

May mensahe naman ang mga nasa likod ng serye para sa mga kabataang malayo sa bansang pinagmulan.

"Kailangang makita pa rin ng mga Filipino sa ibang bansa na bahagi pa rin sila ng bayan natin, na pare-pareho tayong Filipino at 'yong kultura natin ay pinagsasaluhan natin," ani Chua.

"It doesn't matter where you go in the world, there is a consistency of who we are. I'm biased but I think we are the greatest people in the world and we have so much to teach the world," ani Olaes.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.