PatrolPH

TINGNAN: Paano nakatutulong sa isang pastor ang paggawa ng organic painting

ABS-CBN News

Posted at May 30 2020 04:43 PM

MAYNILA--Habang may community quarantine, pinakakaabalahan ng isang pastor sa Davao Oriental ang paggawa ng "organic art."

Gamit ang tinta ng pusit, atsuete, luyang dilaw, at ternate flowers, iba't ibang obra na ang naipinta ni Pastor Marvin Lorzano Tiberio ng Church of Nazarene, Dahican, lungsod ng Mati.

"It helped me financially because some friends are buying (the organic paintings) after I posted in Facebook," ani Tiberio.

Taong 2016 nang magsimula si Tiberio sa organic painting.

"Even watercolor I can’t afford to buy, so I experimented last 2016 with 2 squids. I save the inks, dried it and put to use,” dagdag ng pastor, na ayon sa kaniya ay epektibong pang-alis ng stress.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.