Magkasintahang 3 beses naudlot ang kasal, itinuloy ang pag-iisang dibdib sa gitna ng pandemic | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkasintahang 3 beses naudlot ang kasal, itinuloy ang pag-iisang dibdib sa gitna ng pandemic

April Rose Magpantay,
ABS-CBN News
Published May 29, 2020 06:06 AM PHT

Para sa tatlong taon nang magkasintahang sina Arvin at Jean Carla Amazona ng Lipa City, Batangas, "love knows no pandemic" wikanga dahil sa kabila ng banta ng COVID-19 itinuloy nila ang pag-iisang dibdib nitong Biyernes.

Kuwento ng mag-asawa, tatlong beses nang nakansela ang kanilang kasal dahil sa pagputok ng bulkang Taal, pagdami ng kaso ng COVID-19, at pinalawig na quarantine.

“Sabi ng simbahan puwede na. Sabi ko, 'Sige, this is it na 'yan,' kahit walang gaano tayong bisita, at least maikasal tayo kasi 'yun naman talaga 'yung goal naming dalawa," ani Arvin.

"Sabi nga, hindi naman hadlang itong pandemic para hindi ituloy yung kasal namin kasi kung mahal n’yo talaga, gagawa ng paraan maikasal lang. Sa simbahan pa rin po ang tuloy kahit may virus, pumutok ang bulkan at kung anu-ano pa ang mangyari. Du'n din naman ang punta,” dagdag ni Jean Carla.

Nakakapanibago umano ang kasal sa panahon ng new normal, dahil bukod sa walang abay isang pares ng ninong at ninang lang ang pinapayagan at mga magulang.

“Very solemn du'n sa loob, walang distraction, walang ingay. Tahimik, walang ingay," ani Jean Carla.

"Iba 'yung pakiramdam ... parang ramdam mo 'yung basbas ng Panginoon sa'yo. Ay sa wakas after maraming cancel ng kasal ay natuloy din kahit papaano,” ani Arvin.

Kapag maaari na muli ang mass gathering, itutuloy umano ng mag-asawa ang pinagplanuhan nilang konsepto ng kasal.

“'Yung gown and suit naming natahi na kukunin na lang namin sa Manila then 'yung mga ninong at ninang, nanghinayang kasi nagpagawa pa sila ng sariling isusuot na gown. 'Yung mga abay natahi na rin 'yung damit,” ani Arvin.

Sa ngayon, nanamnamin muna nila ang mga unang araw bilang mag-asawa at pagpaplanuhan ang isang masayang pamilya.