TRENDING: Mga trabahador na sumasayaw habang gumagawa ng hollow blocks | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TRENDING: Mga trabahador na sumasayaw habang gumagawa ng hollow blocks

TRENDING: Mga trabahador na sumasayaw habang gumagawa ng hollow blocks

Grace Alba,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 28, 2019 07:41 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

BADOC, Ilocos Norte - Usap-usapan sa social media ngayon ang video ng mga trabahador sa isang pagawaan ng hollow blocks sa Barangay Lacuben sa Badoc, Ilocos Norte.

Makikita sa video na kasabay ng kanilang kanya-kanyang trabaho, todo sa pagsayaw ang bawat isa.

Ang video ay kuha ng may-ari ng pagawaan na si Jhun dela Cuesta.

Kumalat na sa Facebook ang kuha ni Dela Cuesta. Ang isang post, umabot na sa mahigit 60,000 views mula noong Biyernes.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Dela Cuesta, naglagay siya ng mga speaker sa pagawaan niya ng hollow blocks, at madalas siyang magpatugtog dito.

"Actually may mga naka-install na speakers dito sa pagawaan at kapag nagpatugtog ako, sumasayaw sila. Ganyan lang talaga sila," aniya.

Ayon naman sa mga trabahador, gumagaan ang kanilang ginagawa kapag sinasabayan nila ito ng sayaw.

"Nakakatanggal kasi ng stress and masaya kasi magkakasundo kami," ani John Paul Ragmat, isa sa mga trabahador.

Dahil sa kanilang video, naimbitahan na rin ang mga trabahador na magsayaw sa mga programa ng kanilang barangay.

Bukod sa sayang dala nila, natutuwa ang kanilang pamilya at kabarangay dahil may trabaho na ang mga ito.

"Nakaka-entertain sila at higit sa lahat, dati ang mga ‘yan ay tambay at ngayon may trabaho na at ‘yun ang the best," ayon sa residenteng si Gloria Ibia.

"Kasi masaya silang lahat at itong mga pamangkin at apo ay may trabaho," dagdag pa ng residenteng si Leonarda Gregorio.

Para sa grupo, walang mabigat na trabaho sa taong positibo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.