GLADYS MAGSILANG BONIFACIO
MAYNILA - Sa leaf art idinaan ng isang babae sa Nueva Ecija ang pagbibigay-pugay niya sa mga frontliner na nakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Gamit ang cutter, umuukit ng mga korte ng mga frontliner si Gladys Magsilang Bonifacio at kinukuhanan ito ng retrato bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo.
Makikitang pulido ang pagkaka-korte ng mga frontliner sa dahon ng langka na halos dalawang oras niyang ginawa.
“Tinataya nila buhay nila para sa atin, kaya kahit sa pamamagitan na lamang po ng aking obra mapasalamatan ko po sila,' ani Bonifacio, na natutunan ang paggawa ng nasabing obra noong high school.
Isa rin siyang visual artist, kaya naging libangan niya ang leaf art noong nagkaroon ng enhanced community quarantine.
Wala man siyang maibigay na kahit anong regalo, sa ganitong paraan niya ipinakikita ang kanyang suporta, dagdag niya.
“Nais ko po silang pasalamatan sa lahat ng sakripisyo nila sa pagtugon sa COVID-19," aniya.
Bukod dito, gumawa rin siya ng iba pang leaf art noong Semana Santa, gaya ng crucifix, rosary, at iba pang request ng kaniyang mga mga kaibigan.
Tubong-Nueva Ecija si Bonifacio pero kasalukuyang nagtatrabaho bilang Quality Control Inspector sa isang Semiconductor Company sa Clark, Pampanga.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, leaf art, art, obra, COVID-19, virus, COVID-19 art, frontliner art, coronavirus, COVID-19, coronavirus Philippines update, COVID, coronavirus disease Philippines, COVID-19 Philippines update, Bayan Mo Ipatrol Mo, BMPM