PatrolPH

Para sa bayani: Libingan ng aso na si Kabang ihinahanda na sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at May 20 2021 06:03 PM

Para sa bayani: Libingan ng aso na si Kabang ihinahanda na sa Zamboanga City 1
Hero dog Kabang arrives from the United States after undergoing a medical operation in 2013. ABS-CBN News/File

ZAMBOANGA CITY - Inihahanda na ang paglilibingan ng itinuturing na bayaning aso na si Kabang sa lungsod na ito.

Sa parke ng St. Francis of Assisi sa Barangay Pasonanca planong itayo, sa pahintulot ng lokal na pamahalaan, ang estatuwa ni Kabang.

Ayon sa isa sa mga miyembro ng "Team Kabang" na si Dr. Anton Lim, na beterinaryo din dati ng aso, hinihintay na lang nila ang pagdating ng estatuwa mula Davao City kung saan ito kasalukuyang ginagawa. 

Iniligay sa isang vault si Kabang nitong Miyerkoles bilang paghahanda sa kaniyang paglibing. 

>LINK:https://news.abs-cbn.com/life/05/18/21/look-something-to-remember-of-hero-dog-kabang

Sa isang pagtitipon nitong Huwebes ng umaga ng mga haligi ng animal welfare groups at Team Kabang, sinariwa nila ang mga alaala ng bayaning aso mula sa kaniyang pagkakadiskubri, hanggang sa pag-alis nito patungong California. 

Hinirang ng madami si Kabang sa pagkabayani nito ng sagipin niya ang anak na kanyang dating amo at isa pang bata mula sa pagkakabangga ng isang motorsiklo sa Zamboanga noong 2012.

Dahil sa kaniyang pagkakasagip sa mga bata, nabali ang kanyang pang-itaas na nguso at napilitan ang mga doktor niya na putulin ito.

Ayon kay Lim, iminulat ni Kabang ang kaisipan ng marami na hindi hadlang ang breed ng isang aso para maipakita ang pagmamahal nito sa mga tao. 

Hinihintay na lang ng grupo ang pahintulot mula sa Sangguniang Panlunsod para magamit ang lupa kung saan ilalagak ang vault at estatwa ni Kabang.

—Ulat ni Jewel Reyes

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.