Doll ni Rabiya Mateo na suot ang national costume, tampok sa Antique

ABS-CBN News

Posted at May 17 2021 12:09 AM

Photo courtesy of Redje Baradas

Binihisan ng isang aspiring designer sa Sibalom, Antique ang isang manyika ng damit na inspired ng national costume na inirampa ng Ilongga beauty queen na si Rabiya Mateo kamakailan sa Miss Universe pageant.

Ayon sa doll collector na si Redje Baradas, ito na ang pinakamahirap na disenyo na kanyang nagawa.

Pagbibigay pugay din nya ito sa yumaong designer na si Rocky Gathercole na gumawa ng national costume ni Rabiya.

Ito rin aniya ang kanyang paraan para ipakita ang suporta sa pambato ng Pilipinas.

Susubukan ni Mateo na maiuwi ang ikalimang Miss Universe crown ng Pilipinas sa finals, na mapapanood sa A2Z Channel 11 sa umaga ng Lunes.

-ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEOS

Watch more in iWantTFC
Watch more in iWantTFC