Pagkalulong sa alak, paano matutugunan? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagkalulong sa alak, paano matutugunan?
Pagkalulong sa alak, paano matutugunan?
ABS-CBN News
Published May 17, 2018 05:06 PM PHT
|
Updated May 18, 2018 07:31 PM PHT

Mula sa pagdiriwang ng mga okasyon hanggang sa pagiging pantanggal ng pagod at stress, may iba-ibang dahilan ang bawat tao sa pag-inom ng alak.

Pero nagbabala ang isang eksperto hinggil sa labis na pag-inom at pagdepende sa alcohol, na hindi umano nakabubuti para sa katawan.

"They drink because they have problems, to get away from the issue, problems at work. The problem is they abuse it," anang rehabilitation counselor na si Envic Zamora sa programang "Red Alert."

Alcoholic o alcohol-dependent ang tawag sa taong bisyo ang alak.
Alcoholic o alcohol-dependent ang tawag sa taong bisyo ang alak.
ADVERTISEMENT
"[Kapag] siya na 'yong gumagawa ng occasion para makainom, may problema na, kasi gusto niyang uminom every week," ani Zamora.

Ayon kay Zamora, ilan sa mga sintomas ng pagiging alcoholic ay ang pagiging bugnutin, namamawis o nanginginig kapag hindi nakatitikim ng alak.

PAANO TUGUNAN?
Pero maaari namang maagapan ang pagiging lulong sa alak sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga treatment at rehabilitation center, gaya ng sa Department of Health (DOH) sa Bicutan, Taguig.

"We teach them to have alternative ways on life. Dito, tinuturuan naming sila to speak up what they feel," ani Zamora.

"Marami kasing alcoholic, ang tingin nila leisure lang 'yong alak so hindi nila matanggap na may problema. So here, pinapaintindi namin sa kanila na once hinahanap na ng katawan mo, there's a problem."

Mahalaga raw para sa mga alcoholic na magkaroon ng suporta mula sa kaniyang mga kaanak at malapit na kakilala.

Paliwanag ni Zamora, para maging stable ang isang indibiduwal na nagpapagaling mula sa alcohol dependence, kailangan kaagapay ang mga taong nakapaligid sa kaniya.

"Lahat naman ng taong pumapasok sa rehab, they are not going to be there forever so kailangan turuan mo 'yong pamilya kung paano i-handle 'yong pasyente," aniya.

Dagdag ng eksperto, mas maganda kung maaga pa lang ay maagapan na ang pagiging lulong sa alak sa pamamagitan ng pagdisiplina sa sarili.

"Sa iba kasi mas magandang napipigil na siya habang kaya pa, habang wala pang lumalabas na sakit o diperensiya 'yong katawan mo," ani Zamora.