Babala sa magbi-beach: mag-ingat sa mga dikya | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babala sa magbi-beach: mag-ingat sa mga dikya

Babala sa magbi-beach: mag-ingat sa mga dikya

ABS-CBN News

Clipboard

Ang Cuatro Cantos ay isang uri ng dikya na may nakamamatay ang lason. Retrato ng Saily Rock Daily News

Ngayong tag-init, siguradong marami ang nagpaplano ng kanilang beach outing. Pero bago lumusong sa dagat, siguraduhing walang dikya o jellyfish na makikisabay sa iyong paglangoy.

Tuwing buwan ng Abril at Mayo naman ang sinasabing “jellyfish season” sa Pilipinas kung kaya’t ibayong pag-iingat ang paalala ng eksperto sa mga pupunta ng beach ngayong summer.

"Let's be careful and conscious. The marine organisms are alive and they are defensive," banggit ni Gerry Reyes, isang marine biologist. "May depensa sila to protect themselves."

"They shoot their barbs or scientifically ang tawag namin diyan, nematocysts, mga coil na parang mga pana,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Ayon sa eksperto, madalas naiipon ang mga dikya sa malalim at kalmadong bahagi ng dagat. Pero may mga pagkakataon ding nadadala sila ng alon kaya napupunta sila sa mga pampang.

Isa na sa mga nabiktima ng dikya ang 9-taong gulang na anak ni Marivic Bello. Kuwento niya, nagkayayaan daw ang pamilya ni Marivic na mag-beach outing sa isang resort sa Tagkawayan, Quezon noong isang taon.

Pagdating sa resort, nagpaalam kaagad si CJ para mag-swimming sa dagat kasama ang pinsan na si Virgilio.

Sa gitna ng kasiyahan, napansin na lang ni Marivic si Virigilo na tumatakbo papunta sa kanya.

"Nadikitan na siya ng dikya. Nadikitan po siya sa paa. Meron po siyang parang latay," kwento ni Marivic.

Maya-maya, napaahon na rin si CJ. Ayon kay Marivic, may mga latay din sa hita ni CJ.

"Nagtatalon-talon siya. Sabi niya, 'Mama, mama, masakit.' Umiiyak na. Akala ko nga noong una, nagbibiro lang siya," sabi ni Marivic.

Agad isinugod si CJ sa pinakamalapit na ospital.

Base sa resulta ng imbestigasyon, cuatro cantos o box jellyfish ang dumikit sa katawan nina CJ at Virgilio. Sinasabing nakamamatay ang lasong nagmumula sa sting ng box jellyfish dahil maaaring maparalisa ang puso at nervous system ng biktima.

Sa pagtatala ng United States National Science Foundation (NSF), nasa 20 hanggang 40 ang namamatay dahil sa sting ng box jellyfish.

Makaliligtas kaya si CJ matapos madikitan ng dikya? Panoorin ang buong kwento at ang payo ng mga eksperto sa Red Alert mamayang gabi pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.