Dating 'Bidaman' wagi sa Mister Pilipinas Worldwide | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dating 'Bidaman' wagi sa Mister Pilipinas Worldwide

Dating 'Bidaman' wagi sa Mister Pilipinas Worldwide

Dyan Castillejo,

ABS-CBN News

Clipboard

Kabilang si dating
Kabilang si dating 'Bidaman' Johaness Rissler (ika-4 mula sa kaliwa) sa mga nagwagi sa katatapos lang na Mister Pilipinas Worldwide. Instagram: @misterpilipinasworldwide

Isa sa mga nagwagi ang former "Bidaman" finalist na si Johannes Rissler, mula Davao del Norte, sa kakatapos lang na Mister Pilipinas Worldwide.

Sa kaniyang pagkapanalo, si Rissler ang magiging pambato ng Pilipinas sa Mister Supranational pageant sa Poland sa Hulyo.

"I just know my purpose in life... I need to prepare more. Kailangan pa natin i-push para makamit natin 'yung panalo outside the Philippines," ani Rissler.

Ang "Bidaman" ay segment sa noontime show na "It's Showtime" para hanapin ang susunod na leading man.

ADVERTISEMENT

Tinanghal naman na Mister Pilipinas International Ambassador si Jefferson Bunney ng United Kingdom na sasabak sa kumpetisyon sa Thailand.

"This pageant is incredible, I've met so many guys in this journey. It's an unforgettable experience. So many inspiring people here," ani Bunney.

Ang 23 anyos na Fil-Norwegian na si Ken Stromsnes ang winner sa Mister Pilipinas Manhunt na lalaban sa Mr. Manhunt International sa Vietnam.

"This is something that I really do like modeling so I'll do everything to win," ani Stromsnes.

Si John Tanting ng Cebu City ang nag-uwi ng Mister Pilipinas Global na lalaban sa Thailand, habang si Ivan Aikon Ignacio ng San Jose City ang hinirang na Mister Pilipinas Cosmopolitan na lalaban sa Malaysia.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.