TINGNAN: Eco-friendly wedding sa Negros Oriental | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Eco-friendly wedding sa Negros Oriental

ABS-CBN News
Published May 09, 2019 02:41 PM PHT
|
Updated May 09, 2019 06:01 PM PHT

Mahalaga para kina Audre at Jan Valense Geconcillo ang kalikasan, at sumalamin ito sa mismong araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Eco-friendly ang tema ng wedding reception ng pares na idinaos noong Martes sa bayan ng Santa Catalina, Negros Occidental.

Sa mga larawan ng reception na kuha ng pinsan ni Audre, makikita ang mga saha ng saging na ginawang plato ng mga bisita at mga kawayang ginawang baso at straw.

Sagana rin ang reception sa iba't ibang prutas, mga kakanin, at mga pagkaing sariling atin na nakahain sa dahon ng saging at mga bilao.

Ayon kay Audre, pareho silang "nature lover" ng kaniyang mister na si Jan.

Katuwang ng mag-asawa ang kanilang mga kaanak sa paggawa ng mga ginamit sa kasalan, ani Audre.

Maging ang mga regalong hiniling ng mag-asawa ay maka-kalikasan din.

Natanggap nila ang mga pananim na niyog, at seedlings ng prutas, gulay, at kape.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
Santa Catalina
Negros Occidental
kapaligiran
kaliaksan
kasal
BMPM
Bayan Mo iPatrol Mo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT