Paano iiwas sa sakit sa bato? | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano iiwas sa sakit sa bato?

Paano iiwas sa sakit sa bato?

ABS-CBN News

Clipboard

Hindi lang puso, kundi pati ang kidney o bato rin ay may mahalagang tungkulin sa regulasyon ng blood pressure sa ating katawan.

Nire-regulate din ng kidney ang fluid ng katawan na maaaring makaapekto sa blood pressure, ayon kay Dr. Edwin Bien, isang wellness and integrative specialist.

Wikipedia

Gumagawa rin umano ang kidney ng hormone na kapag kinulang, maaaring maging dahilan ng anemia. Ito umano ang dahilan kung bakit maputla ang mga taong may chronic kidney disease.

Responsable rin ang bato sa balat ng tao. Dahil kung may kidney failure, manunuyo ang kanilang balat at buhok. Nagkakaroon din wrinkles ang taong may problema sa bato.

ADVERTISEMENT

Para mapangalagaan ang kidney, kailangang kumain ng masustansiyang pagkain para hindi mahirapan ang bato sa paglinis ng toxin sa katawan.

“Remember our body is organic, ngayon kung ang pinapasok natin puro synthetic nare-realize ng body natin na, 'Uy, toxin ito, we have to filter this,' so wala nang panahon para magpahinga ang kidney, tuloy siya nang tuloy sa kaka-filter,’’ ani Bien.

Payo ni Bien sa mga may isang kidney lang, huwag lulunurin ang sarili sa napakamaraming fluid. Mainam kung uminom ng fluid hanggang 1-1.5 litro lang bawat araw.

Dagdag niya, iwasan din ang mga pagkaing sobrang maaanghang at maalat dahil maaaring magkaroon ng kidney stone.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.