Lola sa CamSur, isinampay ang mga daster na kakulay ng ABS-CBN logo bilang suporta
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lola sa CamSur, isinampay ang mga daster na kakulay ng ABS-CBN logo bilang suporta
ABS-CBN News
Published May 06, 2020 02:55 PM PHT

BUHI, Camarines Sur – Kakaibang paraan ang naisip ng isang 82 anyos na "Solid Kapamilya" para ipakita ang suporta sa ABS-CBN matapos ipatigil ang broadcast operations nito.

Isinampay ng 82 anyos na si Helen Sumalabe Dasmariñas ang mga pula, berde at asul na daster na kakulay ng logo ng network matapos ito huminto ng broadcast operations alinsunod sa cease and desist order na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) nitong Martes.

Aniya, ito ang kaniyang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa network.

Ayon kay Dasmariñas, magdamag siyang nanonood ng mga palabas ng channel at nalungkot siya sa balita sa pagtigil nito sa pag-ere kaya't naisip niyang gawin ang pagsampay bilang pakikiisa.

"Sinampay ko ‘yun dahil ‘yun ang color ng ABS-CBN di ba? Parang consolation ko ‘yun na 'yan ang ano ko, pero malungkot din dahil wala nga eh. Sabi ko sa anak ko, ‘Naku, wala na akong gagawin kundi maghiga, ano, wala," ani Dasmariñas nitong Miyerkoles.

Retiradong guro si Dasmariñas at ngayo'y president ng Senior Citizen’s Association sa bayan ng Buhi.

Ngayong araw, panay sagot daw siya sa mga text ng kapwa senior citizen tungkol sa mga hinaing ng mga ito sa pagkawala ng network sa ere. Nakadagdag pa daw ito sa hirap na hindi sila puwedeng lumabas para makihalubilo dahil sa banta ng COVID-19.

Apela niya, gumawa ng paraan para maibalik ang operasyon ng network.

“Sana naman please gumawa ng paraan na para mabuksan ulit ang ABS-CBN. Sila ang nakapadagdag saya sa aming buhay, kaming matatanda na. Imagine, 3,000 ang ano ko dito senior citizens. Halos lahat 'yan nanonood ng teleserye na ‘yan. Kung kami nagme-meeting (noon) pakuwentuhin mo 'yan kay Cardo, alam na alam nila," ani Dasmariñas, patungkol sa lead character ng ABS-CBN teleserye na "Ang Probinsyano."

Idadaan na lang daw ni Dasmariñas sa dasal na maibalik ang ABS-CBN sa ere.

-- Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
ABS-CBN franchise
ABS-CBN shutdown
ABS-CBN broadcast operations
solid Kapamilya
ABS-CBN
Support for ABS-CBN
NTC orders ABS-CBN shutdown
viewers' reaction ABS-CBN shutdown
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT