Mandatory GMRC subject sa paaralan, kailangan nga ba? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mandatory GMRC subject sa paaralan, kailangan nga ba?

ABS-CBN News
Published May 05, 2019 03:20 PM PHT

Noong 2017 ay ipinanukala sa Kamara ang pagmamandato sa mga paaralan na ituro ang subject na good manners and right conduct (GMRC) sa ilalim ng K to 12 program pero hindi ito naaprubahan.

Ayon kay Atty. Claire Castro, naniniwala siyang dapat itong isabatas pero dapat daw itong ituro bago matutong magbasa ang mga estudyante.

"Siyempre, kailangan nating turuan ang mga batang magbasa, pero mas titimo sa utak nila kung ano 'yung tamang attitude, tamang manner," ani Castro sa programang "Usapang de Campanilla" ng DZMM.

Kaakibat nito aniya, dapat turuan ng nasyonalismo ang mga kabataan lalo't hindi na umano niya nakikita ang pagiging makabayan sa mga kabataan ngayon.

ADVERTISEMENT
"Yung pagmamahal sa bansa, sa kapwa Pilipino hindi ko na siya nakikita," ani Castro.

Bukod dito, maaari aniyang mas mapasunod ang mga tao kapag mula bata pa lang ay matuturuan na ito ng tamang kaugalian, lalo na sa paaralan.

"[Kasi] you cannot teach old dog new tricks," paliwanag niya.

Pero ayon kay Castro, maaari namang maglabas ng executive order ang Department of Education para maging mandatory subject ang GMRC sa mga paaralan.