Doktor na COVID-19 survivor, ibinahagi ang karanasan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Doktor na COVID-19 survivor, ibinahagi ang karanasan

Doktor na COVID-19 survivor, ibinahagi ang karanasan

Chrislen Bulosan,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 04, 2020 10:02 AM PHT

Clipboard

DAVAO CITY - Ikinuwento ng isang doctor sa Davao City na gumaling sa COVID-19 ang mga napagdaanan nito habang nakikipaglaban sa sakit.

Isa sa mga frontliner sa isang pribadong ospital sa Davao City si Dr. Neil Olivares, 28 taong gulang. Nagpositibo siya sa COVID-19 noong Marso 27. Siya si Patient 1393.

Sa imbestigasyon, lumalabas na may nakasalamuha siyang suspect case ng COVID-19.

Kuwento ni Olivares, may naging pasyente siyang may pneumonia. Noong araw na ililipat na dapat sa ibang ospital ang pasyente, namatay ito nang hindi pa nate-test.

ADVERTISEMENT

Halos lahat ng mga health workers na nagbantay sa nasabing pasyente ay nagpositibo rin sa COVID-19.

"I checked on that patient, asked the resident in-charge, how’s the patient, apparently the patient dies on that day when he was transferred. The X-ray was really not good. So I suspected and I contact-traced my co-resident na nag-transfer din noon, apparently he was also admitted... almost all the personnel na nag-handle sa kaniya was positive," ani Olivares.

Nagkalagnat at nakaranas ng pananakit ng katawan si Olivares, pero sa ikalawang linggo, nakita na ang kumplikasyon sa kaniyang baga. Nang nakaramdan na ng iba pang sintomas, gaya ng pagsusuka ng dugo, doon na siya natakot.

"I feel a bit scared kasi for me I only see this on my patients but it’s happening to me. I'm a bit scared by that time especially knowing na moderate to severe yung CT scan ko," kuwento niya.

Matapos mapagdaanan ang hirap bilang isang pasyente, mas lumaki ngayon ang respeto ni Olivares sa mga kasama nito sa propesyon.

Nakita rin niya ang hirap at dedikasyon sa trabaho ng mga nag-alaga sa kaniya sa ospital.

"For sure when they enter a room of a COVID-positive patient they will be scared even if naka-PPE sila and I appreciate them because it doesn’t show on their actions during that time when I was admitted," aniya.

Sa kasalukuyan, nakabalik na sa trabaho si Olivares matapos magnegatibo nang 2 beses ang swab test.

Payo niya sa mga patuloy na nakikipaglaban sa sakit na huwag mawalan ng pag-asa at kumapit lamang sa makapangyarihang dasal sa Panginoon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.