'Emosyon at pagkatao, natutukoy sa sulat-kamay' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Emosyon at pagkatao, natutukoy sa sulat-kamay'

ABS-CBN News
Published May 02, 2018 06:27 PM PHT
|
Updated May 02, 2018 06:58 PM PHT

Natutukoy sa paraan ng pagsulat, pagpirma, at mga larawang iginuguhit ng isang tao ang kaniyang pagkatao o nararamdaman, ayon sa isang graphologist o iyong nag-aaral ng mga katangian ng sulat-kamay.

"Iyong handwriting analysis, ito ay part ng science ng psychology. Binabasa natin 'yong personality at emotion ng isang tao sa pagsulat, pagpirma, at pag-drawing nila," sabi sa DZMM ni Handwriting Institute president Jimmy Siybauco.

Sinuri at binigyang kahulugan ni Siybauco sa programang "Sakto" ang ilang sulat-kamay at pirmang ipinakita sa kaniya ng mga panauhin.

Ayon kay Siybauco, kapag malaki ang mga titik ng sulat-kamay, ipinapakita nitong malakas ang kumpiyansa ng isang tao sa kaniyang sarili.

ADVERTISEMENT
"Malakas ang loob, gusto mag-travel, mahilig sa physical, tsaka sila ay mataas ang ego," aniya.

Kapag naman malinis at maganda ang pagsulat, nangangahulugan aniyang "perfectionist" ang nagsulat.

Maaari naman umanong mainitin ang ulo, may malusog na pangangatawan at malakas, o maramdamin ang isang taong madiin ang pagsulat.

Sa pagpirma naman, kapag pataas ang direksiyon ng pirma, ibig sabihin umano nito ay malakas ang pagnanais ng tao na maging matagumpay o tanyag.

Mayroon din umanong mga taong hindi iisa ang itsura ng pirma na, ani Siybauco, nangangahulugang emosyonal ang tao.

"If we are sick, mahina writing natin. Kapag galit tayo, malakas, madiin. That's the reason why iba-iba ang pirma. Based on emotion," sabi ni Siybauco.

GAMIT
Trabaho ni Siybauco bilang graphologist ang maunawaan ang isang tao sa pamamagitan ng sulat-kamay o pirma para makapagbigay siya ng payo.

Madalas umanong may kinalaman sa karera ang mga payong ibinibigay ni Siybauco.

"Normally companies approach me to ask especially if kayang maging manager ng isang employee," kuwento niya.

Pero maaari rin umanong makatulong ang graphology sa counseling para malaman kung may pinagdadaanan ang isang tao sa kaniyang personal na buhay.

CHILD DEVELOPMENT
Ayon pa kay Siybauco, maaari namang makita ang development ng isang bata sa mga larawang ginuguhit niya sa halip na sa sulat o pirma.

"Depende kung ano drawing nila. For example, iyong mga batang mahilig sa square, rectangle, more or less, structural sila, magiging engineer sila," paliwanag niya.

Kung ang isang bata naman ay mas pinagtutuunan ng pansin ang kulay sa halip na hugis ng kaniyang iginuguhit, ibig sabihin umano nito ay "artistic" at "emotional" siya.

Inamin naman ni Siybauco na isa sa mga suliranin ngayon ang pagpangit ng sulat ng maraming kabataan dahil sa teknolohiya.

"Madalas sila sa computer. So kung madalas sa computer, mas pangit ang sulat nila," aniya.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Sakto
graphology
handwriting analysis
personality
pagkatao
sulat-kamay
pirma
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT