RECIPE: Bopis Kapampangan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Bopis Kapampangan

RECIPE: Bopis Kapampangan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Kilalang pulutan ang Pinoy dish na bopis sa taglay nitong anghang at kakaibang laman na baga at puso ng baboy.

Tampok naman sa Pampanga ang kanilang bersiyon kung saan baga lang ng baboy ang inilalagay na laman.

Ibinahagi ng guest kusinera na si Marlyn Retanan sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles kung paano lutuin ang Bopis Kapampangan.

Narito ang mga sangkap:
• Baga ng baboy
• Suka
• Toyo
• Sibuyas
• Bawang
• Red bell pepper
• Seasoning powder
• Butter
• Siling labuyo (optional)
• Asin
• Tubig
• Mantika

ADVERTISEMENT

Paraan ng pagluluto:

Ilagay ang baga ng baboy sa kumukulong tubig.

Haluan ito ng kalahating kutsara ng asin, suka at pakuluan hanggang 10 minuto.

Kapag matigas na ang baga, hanguin.

Hiwain at ilagay sa food processor hanggang halos magiling o hiwain ng pino.

Igisa ang sibuyas at bawang hanggang maging golden brown ang hitsura.

Ilagay ang nagiling na baga.

Lagyan ng suka, toyo at seasoning. Hayaan nang 10 minuto
Ilagay ang bell pepper o siling labuyo.

Kapag pumuputok na ang baga, lagyan ng butter para pampalasa.

Maaari nang ihain ang Bopis Kapampangan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.