Pinoy restaurant, bumida sa sikat na magazine sa Italya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lifestyle
Pinoy restaurant, bumida sa sikat na magazine sa Italya

Mye Mulingtapang | ABS-CBN Europe News Bureau
Published Apr 28, 2023 08:29 PM PHT
|
Updated Apr 29, 2023 08:55 AM PHT
MILAN – Sa pagdiriwang ng Filipino Food Month ngayong buwan ng Abril patuloy na itinataguyod, pinangangalagaan, at ipinagmamalaki ng mga kababayan sa Italya ang tradisyon ng pagluluto ng pagkaing Pilipino.

Sa Italya, kung saan kilala ang pizza at pasta at iba pang Asian cuisine, may Pinoy restaurant na nangunguna sa mahigit anim na libong restaurant sa Milan at bumida rin sa sikat na magazine na Rolling Stone Italia.

Sa apat na magkakasunod na taon mula 2019, nasa unang pwesto ang Mabuhay Restaurant ni Chef Dario Guevarra.

Dinarayo ang micro restaurant ni Guevarra dahil sa kanyang binalot sa dahon na chicken at pork adobo, pancit, tokwa’t baboy, tapsilog, siomai at iba pang katakam-takam na mga putahe.

Sa artikulo ng Italian writer na si Marianna Tognini sa food and lifestyle column na "Alfredo" ng Rolling Stone Italia nitong Marso inilahad niya na “The next big thing” ang Filipino cuisine sa Milan.

Ayon pa kay Tognini sa isang lungsod gaya ng Milan, kung saan ang sinumang restaurateur ay malayang magpakilala ng kanilang mga putahe at ang sinumang customer ay malayang pumili ng anumang pagkain na pinaka-angkop sa kanilang panlasa, nararapat daw ang Mabuhay restaurant na kilalanin bilang best restaurant.

“The truth is that, in a city where any restaurateur is free to present and any customer is free to choose any gastronomic format that suits them best, the public decides to reward a place that manages to combine quality, quantity, and more than the correct price”, sabi ni Tognini.

Aniya, ang publiko na ang nagpasya na kilalanin ang isang Filipino restaurant na may de kalidad na pagkain sa tamang presyo.

“I think what Mabuhay is trying to do and they’re doing really great is to identify an important dish, which is the symbol of the Filipino culture, and once you identify that you can also build all the storytelling around it. Mabuhay is number one because the food is really good, because the food proposal is quite unusual, and also because it’s really good value for money”, sabi ni Tognini.

Proud naman si Chef Dario Guevarra sa pagtangkilik ng publiko at tagumpay na tinatamasa ng kanyang simple at munting restaurant.

“Sobrang saya at nagulat din. Kilala namin natin ang Rolling Stone magazine lalo na at famous siya sa Amerika at dito sa Italya. Sobrang thankful namin kay Lord sa blessing niya ulit yun sa amin. Tapos lalong dumami client namin”, kwento ni Guevarra.

Sa post ni Consul General Elmer Cato, ipinaabot niya ang kanyang pagbati kay Guevarra.

‘Congratulations Chef Dario Guevarra of Mabuhay Restaurant for getting Filipino cuisine on the pages of Rolling Stone Italy! Mabuhay is No. 1 on TripAdvisor’s list of the best restaurants in Milan. While it is being patronized by Filipinos, most of its customers are actually Italian. Nakakaproud! Mabuhay ka, Dario!,’ sabi ni Congen Cato.

Pagsulong ng Pinoy cuisine sa pangunguna rin ni Consul General Cato at Konsulado sa Milan, ibinida sa isang cultural at heritage event na pinamagatang HABI ang iba-ibang pagkaing Pinoy tampok ang mga Pinoy restaurants noong nakaraang Pebrero.

Isa ang restaurateur na si Carlo Isip na matagal na rin nagpapatakbo ng kanyang sariling restaurant ang naging bahagi ng HABI.

Kwento ni Isip matinding pagsisikap ang kailangan para manatili sa food and restaurant industry sa Italya.

Dagdag niya na dapat ang mga kapwa Pilipino ang mag-angat at magkaisa para sa mas magandang pagkakilanlan ng pagkain at lutong Pinoy.

“Gusto ng mga Pilipino na ma-recognize din ang mga pagkain natin at sa tingin ko, may pagkakaisa para maishare yung mga pagkaing Pilipino sa mga Italian. Alam naman natin na hindi madaling gawin na makilala ang Filipino cuisine lalo na sa ibang bansa kung saan maraming ka-kumpetensya”, sabi ni Isip.

Bagaman malayo pa ang kailangan tahakin ng pagkain at lutong Pinoy, ayon kay Tourism Attachè to the UK and Director for Northern & Southern Europe Gerry Panga, ang mga global recognition na nakukuha ng mga Filipino chef at restaurant ay malaking tulong para unti-unting pag-angat ng Philippine cuisine sa international food scene.

"We have a long way to go in terms of mainstreaming Filipino food and culture in the international market, but we are getting there with the consistent global food recognition of our Philippine cuisine and the emergence of world-class Filipino chefs and restaurants in various parts of the world", sabi ni Panga.

Mag-imbita, ibida, o ikuwento sa mga kaibigan o katrabahong foreigner ang pagkaing Pinoy sabi ni Tourism Attachè Panga

"Calling all our overseas Filipinos to continue to support the promotion of our Filipino food and cuisine. Let’s make April special (or any month of the year) by inviting our foreign friends, colleagues, and extended relatives to a hearty Filipino food treat. As we say, cooking a special dish for somebody, or dining together with a delicious meal, is the best way to a person’s heart!" dagdag ni Panga.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italya, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT