Caloco beach, bagong summer destination sa Camarines Sur | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Caloco beach, bagong summer destination sa Camarines Sur

Caloco beach, bagong summer destination sa Camarines Sur

Kate Delovieres,

ABS-CBN News

Clipboard

Caloco Beach. Kate Delovieres, ABS-CBN News

Dinadagsa ngayon ng mga turista ang maliit na barangay ng Caloco sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur dahil sa isang beach na naging viral sa social media.

Marami ang nagpakita ng interes na pumunta sa Caloco Beach nang mag-post si Jen Jornales Jimenez sa Facebook ng outing nilang pamilya at magkakaibigan sa lugar na ito.

Dahil hindi pa kilala noon ang Caloco, solo nila ang dagat.

Nag-trending ang kaniyang post na mayroon nang 6,500 likes at mahigit 3,000 shares.

ADVERTISEMENT

Siguradong babalik-balikan ng mga turista ang pino at maputing buhangin ng beach at kulay berde't asul na tubig ng dagat.

Caloco Beach. Kate Delovieres, ABS-CBN News

Kung may sariling sasakyan, mahigit isang oras ang biyahe mula sa Naga City papuntang Caloco Beach.

Para naman sa mga backpackers, pwedeng mag-jeep mula Naga at sumakay ng habal-habal pagdating sa Poblacion ng Yinambac na aabutin ng mahigit dalawang oras.

Pagdating sa paaralan ng barangay, maglalakad lang ng 10 minuto papunta sa dagat.

Kung high tide, pwedeng magbangka o kaya naman maglakad sa lumang footbridge. Pero kung low tide, pwede nang lakarin ang tubig.

ADVERTISEMENT

Malaki ang potensyal ng Caloco Beach bilang bagong tourist destination ng Tinambac.

Dalawampung taon na nang ideklara ito bilang parte ng Agayayan-Caloco Marine Sanctuary.

Isa sa mga mahihirap na barangay ang Caloco sa Tinambac kaya malaking tulong sa kabuhayan ng mga nakatira rito ang pagdagsa ng mga bakasyunista.

Malawak pa ang plano para sa Caloco. Ilan sa mga posibleng ilagay na beach activities dito ang snorkeling, diving at kayaking.

Pakiusap lang ng lokal na pamahalaan sa mga pupuntang bakasyunista rito, maging responsable para mapanatili ang ganda at kalinisan ng lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.