RECIPE: Kulawong puso ng saging | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Kulawong puso ng saging

RECIPE: Kulawong puso ng saging

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa ang kulawong puso ng saging sa mga putaheng ipinagmamalaki ng mga taga-San Pablo, Laguna.

Ang kulawo ay isang proseso ng pagsusunog ng kinayod na niyog bago gamitin na pang-gata sa hiniwang puso ng saging.

Sa programang "Umagang Kay Ganda," ibinahagi ng guest kusinero mula San Pablo na si Chef Edison Yolongo ang kaniyang recipe ng naturang dish.

Upang simulan ang paggawa sa kulawong puso ng saging, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• 300 grams puso ng saging
• 2 tasa ng pinausukang gata
• 1 buong pulang sibuyas
• 3 kutsara ng suka
• Asin
• Paminta
• 70 grams inihaw na liempo
• Hiniwang pulang sibuyas at sariwang dahon ng sibuyas

ADVERTISEMENT

Sunugin ang kinayod na niyog.

Balatan ang puso ng saging hanggang makuha ang pinaka-ubod at hiwain ng pino.

Lamasin ito sa asin hanggang mawala ang dagta.

Banlawan ang ubod pagkatapos lamasin sa asin at pigain.

Ihanda ang pinausukang gata at pakuluan kasama ang puso ng saging.

Haluin mabuti at ilagay ang isang pirasong pulang sibuyas, tatlong kutsara ng suka, asin at paminta.

Ilagay ang inihaw na liempo, hiniwang pulang sibuyas, at sariwang dahon ng sibuyas sa ibabaw.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.