RECIPE: Laing

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2019 11:47 AM | Updated as of Apr 24 2019 12:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tanyag sa mga Bicolano ang putaheng laing, na kilala sa halong pait at anghang nito. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang guest kusinero na si Bobby Bernas para ibahagi kung paano magluto ng laing. 

Ihanda ang mga sangkap: 

• Gata ng niyog
• Pinatuyong dahon ng gabi 
• Bawang
• Pulang sibuyas
• 2 kutsarang bagoong alamang
• 1 strip ng liempo
• 3 siling haba
• 3 siling labuyo
• Luya
• Asin
• Paminta
• 2 kutsarang patis

Paraan ng pagluluto: 

Pagmantikain ang liempo sa kawali at igisa dito ang bawang, sibuyas, luya, at sili. 

Pagkagisa, ilagay ang bagoong alamang at haluing mabuti bago ilagay ang gata at patis.

Pagkulo, ilagay ang dahon ng gabi at siguraduhing nakalubog ang lahat ng dahon sa gata.

Hinaan ang apoy at hayaang maluto nang 30-45 minuto ang laing. 

Huwag itong haluin.

Maaari nang ihain ang laing. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.