Gaano katagal bago puwedeng makipagtalik muli matapos manganak? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gaano katagal bago puwedeng makipagtalik muli matapos manganak?

Gaano katagal bago puwedeng makipagtalik muli matapos manganak?

ABS-CBN News

Clipboard

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Isa sa mga madalas na tanong ng mag-asawa ay kung puwede na ba agad makipagtalik matapos manganak ni misis, ayon sa isang doktor.

"Post-pregnancy is an awkward time for couples (Nakakailang na panahon para sa mag-asawa ang panahon matapos manganak ni misis)," ani Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM.

Gayunman, sinabi ni Marquez na hindi dapat maging balakid ang pagkakaroon ng anak para sa relasyong seksuwal ng mag-asawa.

Aniya, kailangan lang na maging komportable si misis sa kaniyang pangangatawan bago makipagniig sa asawa.

ADVERTISEMENT

Isa kasi sa karaniwang iniinda ng babae ay ang sakit ng ari o ng tahi matapos magsilang ng anak, mapa-normal or Caesarean delivery man.

"'Episiotomy,' 'yon po ang medical term na ginugunting ka [ari ng babae] ng OB mo kapag malapit nang lumabas si baby," paliwanag ni Marquez. "Ang babae might be self-conscious about her shape. And if she had a Caesarean delivery, she may be experiencing extra discomfort or feel unattractive."

"[During] breastfeeding, [a mother] may feel like her body belongs to the baby."

Sabi ni Marquez, makabubuti kung maghihintay ng hindi bababa sa isang buwan ang mag-asawa matapos manganak ni misis bago muling magtalik.

"Karamihan po ng healthcare providers, sina-suggest nila na mag-wait ng 4 to 6 weeks before resuming intercourse to allow the woman's body to heal," aniya. "Dapat at least six weeks after [giving birth]. Kailangan may paggagaling muna ng tissues. Importante 'yon, huwag kang magmadali."

Maaari ring mag-iba ang haba ng panahon ng paghihintay dahil nakadepende ito sa lagay o nararamdaman ng babae sa kaniyang katawan matapos magsilang ng sanggol.

Dagdag ng doktor, puwede kasing makasama kay misis kung bibiglain ang pagtatalik.

"Ang biggest risk of post-partum sex particularly ay magkakaroon ka ng infection kapag sobrang napaaga ang pakikipagtalik mo. Intercourse after childbirth can be quite painful," paalala ni Marquez.

"Puwede ka mag-resume ng sex life slowly but surely kasi kailangan mayroon munang paggaling ng iyong mga tahi, kahit sa episiotomy 'yan o sa iyong scar from Caesarean."

Payo rin ni Marquez sa mga mag-asawa na gumamit ng water-based lubricant kapag puwede na muling makipagtalik ang misis na nanganak.

Puwede kasing hindi pa masyadong kayanin ng katawan ng babae na magkaroon ng sapat na lubrication matapos magsilang.

"Fewer than 20 percent of participating couples return to sexual activity in the first month since childbirth," pagbanggit ni Marquez sa isang pag-aaral.

Kung hindi naman agad makapagtatalik dahil kailangang maghilom muna ni misis mula sa panganganak, may iba pang paraan upang magkaroon ng relasyong seksuwal ang mag-asawa, ayon kay Marquez.

"Resume your sex life slowly, possibly with cuddling only," payo ni Marquez.

"You can resort to other ways and means of making love, not only sexual intercourse. You can do oral sex if you like, or you can do masturbation, you can masturbate each other by using marital aid. Marital aid is 'yon po 'yong vibrator. Tulong po sa mag-asawa 'yan."

Iminungkahi rin ng doktor na mag-ingat sa sexual position dahil puwedeng hindi ito angkop pa para sa misis na nagpapagaling pa.

"Kapag missionary [position], 'yong the guy, the husband is on top, medyo baka problem po 'yon di ba kasi na-Caesarean ka, ang sugat mo nasa abdomen. So mahirap pong madaganan 'yan," sabi ni Marquez.

Sakali namang si misis ay nagkaroon ng miscarriage o "nakunan" sa ipinagbubuntis na fetus, dapat pa ring maghintay ang mag-asawa bago muling magtalik.

"Dapat ma-handle muna 'yong tinatawag na depression kapag nakunan," ani Marquez. "Two-three weeks [paghihintay bago magtalik] is OK kung ikaw ay nagkaroon ng miscarriage."

"Kapag ikaw ay laging nakukunan, lagi mong ipapa-evaluate, ipapa-manage sa iyong OB-GYN kung bakit lagi kang nakukunan... your condition will be managed by the OB GYN."

Ipinaalala rin ni Marquez na kahit kapapanganak pa lamang ni misis, maaari na rin siyang magbuntis agad kaya mainam pa rin kung magfa-family planning ang mag-asawa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.