Bakit dapat bantayan ang pagbi-video games ng bata | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit dapat bantayan ang pagbi-video games ng bata

Bakit dapat bantayan ang pagbi-video games ng bata

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 20, 2019 02:47 PM PHT

Clipboard

Uso ngayon sa mga kabataan ang paglalaro ng video games, na nagsisilbing libangan para sa kanila.

Pero ayon sa parenting expert na si Teresa Gumap-as Dumagdag, masusing pagbabantay dapat ang ginagawa para maiwasan ang adiksiyon sa paglalaro ng video games.

"Para sa 'kin at recommendation is kailangan nasusubaybayan ang kung ano mang laro na nilalaro nila. Dapat involved tayo at masubaybayan natin," ani Dumagdag sa "Sakto" ng DZMM.

Dagdag pa niya na mahalaga ito para maiwasan ang masasamang epektong dala ng mga larong may mga bayolenteng tema, na dapat lang ay para sa mga mas nakakatanda.

ADVERTISEMENT

"Na-desensitize na dahil sa sobrang dalas na pinapanood ng bata ito. Ang masamang epekto ng mga online games, kung 'yun 'yung mga nilalaro ng anak natin eh nag-uudyok sa kanila na maging bayolente," aniya.

May epekto rin daw ang edad kung kailan unang pinapagamit ng mga gadget ang bata.

Hindi raw dapat pinahahawak sa mga kabataang 2 anyos pababa ang ano mang gadget.

"The younger na in-expose natin ang bata the chances are na maging addict siya sa online games is tumaas," pahayag ni Dumagdag.

Kung toddler naman, o tatlong taong gulang pataas, maaari nang palaruin ng computer games ang bata pero dapat "makabuluhan" ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.