RECIPE: Tinapa Bicol Express | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Tinapa Bicol Express

RECIPE: Tinapa Bicol Express

ABS-CBN News

Clipboard

Nais mo bang kumain ng Bicol Express ngayong Semana Santa kahit iniiwasan ang karne bilang bahagi ng pag-aayuno?

Maaari mong palitan ang karneng baboy ng tinapa para gawin itong Tinapa Bicol Express, na magbibigay ng maalat at malinamnam na twist sa putaheng ito.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ang guest kusinero na si Bro. Jerome Espeña ng University of Santo Tomas Central Seminary para ibahagi kung paano lutuin ang Tinapa Bicol Express.

Narito ang mga sangkap:

• Sili (tanggalin ang buto)
• Tinapa
• Kakang gata
• Gata (pangalawang piga)
• Sibuyas
• Bawang
• Kamatis
• Asin
• Mantika
• Bagoong alamang

ADVERTISEMENT

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang sibuyas, bawang at kamatis bago ilagay ang hinimay na tinapa.

Isunod na ilagay ang gata bago ang ang hiniwang sili.

Kapag kaunti na ang sabaw, ilagay ang kakang gata at bagoong alamang.

Hayaang kumulo na walang takip ang kawali.

Maaari mo nang ihain ang Tinapa Bicol Express.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.