Panlaban nga ba ang ihi sa dikya? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Panlaban nga ba ang ihi sa dikya?
Panlaban nga ba ang ihi sa dikya?
ABS-CBN News
Published Apr 18, 2019 03:00 PM PHT

Madalas ipinapayo sa mga taong nasi-sting o natutusok ng dikya o salungo ang pag-ihi sa apektadong bahagi ng katawan upang maiwasan umano ang pagkalat ng lasong kasama nito.

Pero ayon sa safety expert at survival specialist na si Dr. Ted Esguerra, hindi epektibo ang ihi bilang pangontra sa lasong dala ng sting ng mga nasabing lamandagat.

Sa halip, iyong init umano ng ihi ang maaaring magsilbing pangontra sa lason dahil sensitibo ang lason ng mga lamandagat sa init.

"Hindi ihi 'yong solusyon doon, 'yong init ng ihi kasi sensitive 'yong toxin niya sa mainit na tubig," sabi ni Esguerra sa programang "Sakto" ng DZMM.

"Karamihan mga marine envenomation, sensitibo iyan sa heat," dagdag niya.

Kaya ipinayo ni Esguerra na kapag na-sting ng dikya o salungo, agad umahon sa tubig "kasi mahirap 'yong tatamaan ka ulit."

Matapos ito, banlian umano ng tubig na may temperaturang 40 hanggang 45 degrees Celsius sa loob ng 20 minuto ang bahagi na na-sting.

Bukod sa mainit na tubig, puwede ring panlaban sa lason ng lamandagat ang suka, ayon kay Esguerra.