‘Pantawid ng Pag-ibig’: Bigas, mga delata hatid sa mga residente ng Maragondon, Cavite | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Pantawid ng Pag-ibig’: Bigas, mga delata hatid sa mga residente ng Maragondon, Cavite

‘Pantawid ng Pag-ibig’: Bigas, mga delata hatid sa mga residente ng Maragondon, Cavite

ABS-CBN News

Clipboard

Kasama ang Maragondon, Cavite sa mga nabahaginan ng trak-trak na bigas at delata mula sa “Pantawid ng Pag-ibig” campaign ng ABS-CBN. ABS-CBN News

MAYNILA - Ang inaasahang P10,000 kita ngayong buwan ng 59 anyos na si Venancia Linezo, residente ng Maragondon, Cavite, ay naudlot dahil natigil ang kaniyang pagbebenta ng bamboo sticks, ngayong may enhanced community quarantine sa Luzon.

Hindi rin makapaghanapbuhay ang kaniyang mister na ume-extra bilang construction worker o kaya tagaputol ng kawayan.

Pinagkakasya nila ngayon ang mga tulong na natatanggap mula sa lokal na pamahalaan at mga pribadong indibidwal.

"Minsan nga, isang beses na lang kami kakain para matipid namin ang pagkain namin. Baka sa COVID-19 kami hindi mamatay, baka sa gutom," aniya.

ADVERTISEMENT

Ang 86 anyos na si Jose Mojica, na nasaksihan ang World War II, panibagong giyera ulit ang hinaharap ngayong krisis sa COVID-19.

Hirap sa paglalakad si Mojica, at mag-isang nabubuhay. Umaasa na lang siya sa tulong ng nag-iisang anak at mga kapitbahay.

Kasama ang Cavite sa mga nabahaginan ng trak-trak na bigas at delata mula sa "Pantawid ng Pag-ibig" campaign ng ABS-CBN.

Inilatag sa labas ng mga bahay sa bayan ang mga upuan na paglalagyan ng mga ayuda.

Sa bawat upuang nakapila, nakakabit ang pangalan ng residente at quarantine pass. Idinikit din ng ilan ang kanilang mga panawagan.

Katuwang ang provincial at municipal government, naabot ang 27 barangay ng bayan ng Maragondon kung saan nasa mahigit 1,200 kabahayan ang nabigyan ng food packs.

Para kina Linezo, malaking bagay ang mga natatanggap nilang tulong sa mga kampanya gaya ng "Pantawid ng Pag-ibig."

"Malaking bagay na ho iyon sa amin, tulong niyo ho sa amin.. Tuwang-tuwa nga po kami noong sinabing may magbibigay dito eh,” aniya.

Nagpasalamat din si Maragondon mayor Reynaldo Rillo sa naiabot na tulong.

"Ako po ay nagpapasalamat sa lahat po ng tumulong na ipinaabot sa atin ang kanilang pagamamahal. Sa pamamagitan ng pagdadala ng mga relief goods sa ating bayan," aniya.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa iba pang mga naging partner ng proyektong ito:

  • Champion Detergent
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Great Taste 3-in-1
  • Hana Shampoo
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • Quick Chow Noodles
  • Mega Sardines
  • Rebisco
  • Safeguard
  • CDO Foodsphere
  • International Pharmaceuticals incorporated
  • Lucky Me

Nananawagan ang ABS-CBN sa publiko para sa cash donations, na gagamitin para ipambili ng pagkain at basic necessities ng mga nawalan ng kita at hindi makapaghanapbuhay dahil sa quarantine.

— Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.