Pagsasanay sa tour guiding, inaalok ng DOT | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagsasanay sa tour guiding, inaalok ng DOT

ABS-CBN News
Published Apr 15, 2018 01:51 PM PHT
|
Updated Apr 15, 2018 08:32 PM PHT

Nauuso tuwing tag-init ang mga trabaho at kabuhayang may kinalaman sa turismo, lalo at sa ganitong panahon inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa mga pasyalan.

Bunsod nito, nag-aalok ang Department of Tourism (DOT) ng iba't ibang pagsasanay sa tour guiding para sa mga nagnanais pumasok ng full-time o part-time sa naturang trabaho.

"You can operate as a certified tour guide kahit saan, kasi mayroon kang ID no'n. Kahit saan ka mag-operate na travel agency, mag-apply ka sa kanila, as their tour guide [or] as freelance, tatanggapin ka nila," ani Tourism Assistant Secretary Maria Lourdes Japson.

Kabilang sa mga training program na inaalok ng kagawaran ang mga sumusunod:
Kabilang sa mga training program na inaalok ng kagawaran ang mga sumusunod:
ADVERTISEMENT
- Regional tour guiding seminar
- Community tour guiding seminar
- Refresher course for tour guides
- Eco-guiding seminar (Mountain, cave, river, birdwatching, snorkel, firefly, mangrove guides)

May mga rekisito at kwalipikasyong kailangan paghandaan ang mga nagnanais mag-enroll batay sa papasuking programa.

Kung makapapasa sa screening process ay makakukuha ng accreditation mula sa DOT.

Kabilang sina Cathy Hermogenes at Ram Ng sa mga nagpa-part-time bilang trail guide sa isang hiking group tuwing weekend.

Kahit abala sa kani-kaniyang mga trabaho mula Lunes hanggang Biyernes, hindi alintana nina Hermogenes at Ng ang pagod sa pag-akyat.

"For me kasi hindi siya trabaho eh, para kang nag-eenjoy lang. Nakaka-meet ka ng maraming tao, nakikita mo happiness nila kapag na-reach nila 'yong summit," kuwento ni Hermogenes.

"[Hiking is] a way to destress from the weekday work that I have," sabi naman ni Ng.

Hiking din sa iba't ibang mga bundok ang interes ng young entrepreneur na si Coby Sarreal.

Kuwento niya, estudyante pa lang siya nang simulan niya ang negosyong travel group.

"Maganda ang bundok sa ibang bansa pero more so sa Philippines... pero walang nag-aayos no'n, walang nag-oorganize so there's something missing," ani Sarreal.

"Walang legitimate na organizer who people can trust na itong mga mountaineer na 'to may experience, training sa first aid, communicate properly," dagdag ni Sarreal.

Nasa anim hanggang pitong trip kada linggo ang ginagawa ng travel group ni Sarreal.

Para naman sa mga interesadong mag-umpisa ng tour operations, travel agencies, o ano mang negosyong may kinalaman sa turismo, ipinapayo ng DOT na magparehistro sa kanilang ahensiya para mabigyan ng sapat na gabay.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
trabaho
hanapbuhay
tour guide
tour guiding
tourism
turismo
Department of Tourism
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT