PASYALAN: Yambo lake sa Laguna | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PASYALAN: Yambo lake sa Laguna

PASYALAN: Yambo lake sa Laguna

Mariz Laksamana,

ABS-CBN News

Clipboard

Itinuturing na munting paraiso ng mga residenteng nakatira sa paligid nito ang lawa ng Yambo sa San Pablo, Laguna.

Kabilang ang naturang lawa sa tinaguriang pitong lawa o seven crater lakes na dinarayo sa nabanggit na probinsiya.

Unti-unti na rin itong nakikilalang puntahan ng ilang turista.

"Dinaanan lang namin noong una ito... tapos nakita namin maraming tao, so sabi namin, magkakasama ko 'yong co-teachers ko, sabi namin balik tayo dito sama natin pamilya natin," ani Khristii Grace Lianne Tan, turista.

ADVERTISEMENT

Bukod sa swimming, puwede ring mag-kayaking o mag-relax sa floating cottages ng lawa.

Pinakanagustuhan naman ng turistang si Reynal Dalangin ang magandang tanawin at malamig na tubig ng lawa.

Puwede ring maglayag sa lawa para kumain doon ng tanghalian o kaya nama'y tumuloy ng pag-akyat sa bulubundukin para masilip ang katabing lawa ng Pandin.

Kung nagbabalak pumunta at planong hindi na magdala ng pagkain, maaari ring magpa-advance order ng gustong pananghalian o iba pang meals.

Ang pagluluto at paghahanda ng pagkain ay kabilang sa mga pinagkukuhanan ng pagkakakitaan ng Yambo Lake Livelihood Association.

Sa ngayon, wala pang sinisingil na entrance fee sa Yambo Lake.

Mayroon namang renta ang floating cottages o pagoda na gagamitin ng mga turista.

Bumubuo na rin ng ordinansa ang lokal na pamahalaan para matiyak ang kalinisan at kaayusan sa Yambo Lake para kalauna'y hindi masalaula at mapanatili ang kagandahan ng lawa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.