Flower shop owner, namahagi ng mga bulaklak sa mga frontliner sa Bacolod | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Flower shop owner, namahagi ng mga bulaklak sa mga frontliner sa Bacolod

Flower shop owner, namahagi ng mga bulaklak sa mga frontliner sa Bacolod

Yasmin Dormido,

ABS-CBN News

Clipboard

Photo courtesy of Pau Lopez

Dahil sa naising mapasaya at mapangiti ang iba sa gitna ng hamon na hinaharap sa laban kontra COVID-19, isang flower shop owner ang personal na nagdeliver sa mga frontliners ng mga na-harvest na bulaklak sa Bacolod City.

Maaga pang nag-harvest ng kanyang mga itinanim na mga bulaklak si Pau Lopez, at binisita ang mga ospital sa Bacolod City nitong Biyernes.

Umani siya ng mga ngiti mula sa mga medical workers at iba pang mga frontliners sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital at pati na rin sa mga private hospital.

Sinorpresa ni Lopez ang mga medical health workers at frontliner ng kanyang roses at sunflowers at iba pang mga bulaklak.

ADVERTISEMENT

Sa litratong kanyang ibinahagi sa ABS-CBN, may mga ngiti ang mga healthcare workers at hospital staff kasama na ang mga security guard, utility, driver at receptionist ng mga ospital bitbit ang mga long stemmed roses, sunflowers, million flowers, baby's breath, at chrysanthemum na bigay ni Lopez.

May bulaklak din pati mga nagbabantay sa mga check-up points.

Sabi ni Lopez, paraan daw niya ito na magpahiwatig ng pasasalamat sa mga frontliners at pagkilala sa sakripisyo nila laban sa COVID-19.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.