Mga magsasaka nag-iwan ng mga gulay, prutas sa mga batang-lansangan sa Malabon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga magsasaka nag-iwan ng mga gulay, prutas sa mga batang-lansangan sa Malabon

Mga magsasaka nag-iwan ng mga gulay, prutas sa mga batang-lansangan sa Malabon

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 02, 2020 11:29 AM PHT

Clipboard

Nais daw ng mga magsasaka na maramdaman ng mga bata ang pagmamahal pagkagising nila. Photo courtesy: Jake Gayog

Kabayanihan ang ibinandera ng ilang magsasaka mula Cordillera nang mag-iwan ng mga gulay at prutas para sa mga batang natutulog sa gilid ng kalsada sa Malabon City.

Sa kuhang larawan ni Jake Gayog, makikitang binigyan ng ilang gulay at prutas gaya ng broccolli, strawberry, dalandan, at iba pa.

Ayon kay Gayog, nais daw nilang maramdaman ng mga bata ang pagmamahal ng mga magsasaka pagkagising nila.

"Even if they did not meet their donor face to face, I’m very sure it will bring bring joy to [these] kids. They will feel the love of Cordillera farmers," ayon kay Gayog sa kaniyang post.

ADVERTISEMENT

Ang grupo ni Gayog ay nagdadala ngayon ng mga gulay sa Metro Manila para matulungang makapagbenta ang mga magsasaka at makabili rin ng mura ang mga residente.

Sila rin ang grupong nagpamahagi ng mga gulay sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero.

Hiling nilang bigyang-pansin ng gobyerno ang mga bata.

-- Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.