Mga babaeng pulis, sumailalim sa makeup tutorial | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga babaeng pulis, sumailalim sa makeup tutorial

Mariz Laksamana,
ABS-CBN News
Published Mar 31, 2017 12:39 AM PHT

Calamba City, Laguna - Wala na raw gaanong panahon upang mag-makeup ang pulis na si PO3 Evelyn Penolio dahil katulad ng ibang empleyado ay abala siya sa trabaho.

Pero nitong Huwebes ng umaga, sabik siyang nagpaayos sa inorganisang makeup tutorial para sa mga kagaya niyang pulis at non-uniformed personnel ng Philippine National Police CALABARZON.

“Binigyan po kami ng pagkakataon para po sa sarili po naming na kahit papaano, kahit sa sobrang busy po na naalagaan pa rin po namin yung pagdating po sa kagandahan,” ani Penolio.

Dito, tinuruan silang mag makeup at mag-ayos ng buhok para sa iba’t ibang okasyon.
Dito, tinuruan silang mag makeup at mag-ayos ng buhok para sa iba’t ibang okasyon.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Senior Inspector Mary Ann Torres, hindi dapat maging dahilan ang kanilang trabaho bilang pulis upang magmukha raw silang mga lalaki.

“Grooming di ba at saka personal appearance kasi yung target natin dito kasi mostly ang ating mga police women nakakalimutan na nilang kailangan nilang magpaganda pa rin. Hindi naman sinabi na porket naging pulis ka magmumukha ka nang lalaki,” ani Torres.

Mga magsisipagtapos na mag-aaral mula sa isang TESDA-accredited school ang naging katuwang ng ahensya at sila rin mismo ang mga nag-ayos sa mga pulis.

Pahabol daw nila itong proyekto sa nalalapit na pagtatapos ng Women’s Month celebration ngayong Marso.