Lalaking dumalo sa graduation kahit may sakit sa puso, pumanaw na | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking dumalo sa graduation kahit may sakit sa puso, pumanaw na

Lalaking dumalo sa graduation kahit may sakit sa puso, pumanaw na

Jaehwa Bernardo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 27, 2019 07:05 PM PHT

Clipboard

Pinabilib ni Joemar Mangkok ang mga netizen nang pilitin niyang dumalo sa kaniyang graduation sa kabila ng kaniyang sakit sa puso. Retrato mula kay Lyn Mangkok-Ayob

MANILA — Makabuluhan para sa maraming estudyante ang kanilang graduation ceremony dahil tanda ito ng pagtatapos ng ilang taong paghihirap sa pag-aaral.

Isa sa mga hindi nagpalampas sa pagkakataong makatungtong sa entablado para makuha ang kaniyang college diploma ang 25 anyos na si Joemar Mangkok ng Datu Paglas, Maguindanao. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon niya ng malubhang karamdaman sa puso.

Naantig ang puso ng maraming netizen nitong nagdaang weekend nang i-post sa Facebook ang mga retrato ni Joemar sa kaniyang graduation noong Marso 23.

Sa mga larawan na ipinost ni Lyn Mangkok-Ayob, kapatid ni Joemar, makikita ang pagtanggap ni Joemar sa kaniyang diploma habang tinutulak sa kaniyang wheelchair at nakakonekta sa oxygen tank na bitbit ng isa pang kasama.

ADVERTISEMENT

Noong Martes, ilang araw lang mula ng kaniyang pagtatapos, pumanaw si Joemar matapos ang 5 taong pakikipaglaban sa rheumatic heart disease, sabi ng kapatid.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ikinuwento ni Lyn na pinilit lang ni Joemar dumalo sa graduation at umakyat sa entablado para makuha ang diploma.

"Bago pa magbigayan ng diploma, nagsabi na siya sa akin na pagod na daw siya, pagod na daw, nangangalay na raw," sabi ni Lyn.

Nagtapos si Joemar ng kursong Bachelor of Science in Secondary Education, major in Mathematics sa Southern Mindanao Institute of Technology.

"Noong malapit na po siya... Sabi niya, 'Ate, tawagan mo na lang 'yong kapatid ko'... i-prepare na 'yong sasakyan kasi pagkakuha na ng diploma, idederetso nga daw [sa ospital]," ani Lyn.

ADVERTISEMENT

Ayon pa kay Lyn, sa baba ng entablado lang dapat tatanggapin ni Joemar ang diploma pero nagpumilit ito at nagpatulong na lang sa staff ng paaralan.

"Siguro mas maganda tingnan at saka mas magandang receive 'yong diploma 'pag nasa taas ng stage," ani Lyn, na ginunita ang sinabi sa kaniya ng kapatid.

Saksi umano si Lyn sa paghihirap ni Joemar na matapos ang pag-aaral kahit pa may kondisyon sa puso.

Nangako pa raw si Joemar sa pamilya na bago ito pumanaw ay magsusuot muna siya ng toga.

"Bago po ako magpabalot ng puting tela, magdadamit muna po ako ng itim," ani Lyn, na binabanggit ang tradisyon sa Islam na pagbabalot ng puting tela sa mga pumanaw.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Lyn, ipinagmamalaki niya na naging inspirasyon ang kapatid sa pag-viral nito sa social media.

"Siya kasi ayaw niya ipa-upload 'yong pictures niya," aniya.

"Sobra lang kaming proud sa iyo na kinaya mo," ani Lyn, na tila kinakausap ang kapatid.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.