'ASAP TLC': Babae, nanatili sa tabi ng nobyong na-comatose | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'ASAP TLC': Babae, nanatili sa tabi ng nobyong na-comatose

ABS-CBN News
Published Mar 25, 2018 04:13 PM PHT

Pinatunayan ni Sandra Entroso ang kaniyang pag-ibig para kay Ben Pineda sa pamamagitan ng pananatili niya sa tabi ng nobyo sa kabila ng isang malaking hamon sa kalusugan.

Itinampok ang kuwento nina Entroso at Pineda sa segment na "TLC" ng programang "ASAP" nitong Linggo, kung saan ginampanan pa nina Maymay Entrata at Edward Barber ang magkasintahan sa pagsasadula.

"Hindi ko akalain na iyong taong nagpasaya ng puso ko sa school namin, siya 'yong nagbigay sa'kin ng inspirasyon para maging matatag," sabi ni Entroso.

Nagkakilala sina Entroso at Pineda dahil nag-aaral sila sa parehong high school.
Nagkakilala sina Entroso at Pineda dahil nag-aaral sila sa parehong high school.
ADVERTISEMENT
"Na-love at first sight [ako]," paggunita ni Entroso.

"Naging close kami ni Ben nung pinag-usapan namin iyong mga gusto namin sa buhay, 'yong mga nakahiligan naming parehas [tulad ng] music."

Mayo 2016 nang maging magkasintahan sila — bagay na itinago muna nila sa kanilang mga magulang.

Pero makalipas ang dalawang buwan, dumating ang isang malaking suliranin na bumago sa kanilang mga buhay.

"Ang nangyari may nagba-basketball doon sa labas ng bahay, sumali [si Ben]... parang nakaramdam siya ng pagkahilo," kuwento ni Jocelyn Pineda, ina ni Ben.

Na-comatose ang binata matapos mawalan ng oxygen sa utak.

Naging katuwang naman ni Jocelyn sa pag-alaga sa anak ang nobya. Kalaunan ay umamin na rin si Entroso sa kaniyang pamilya hinggil sa nobyong nasa ospital.

"Noong nakilala ko 'yong family ni Ben, nasabi ko na rin sa family ko na boyfriend ko 'yong pinupuntahan ko sa ospital," aniya.

"'Di na ako sumasama sa mga gala-gala kung saan-saan para magbantay o mag-alaga sa kaniya."

Naging malapit din sina Jocelyn at Entroso dahil na rin sa pag-aalaga nila sa binata.
Naging malapit din sina Jocelyn at Entroso dahil na rin sa pag-aalaga nila sa binata.
ADVERTISEMENT
Sa lahat ng nangyari, hindi umalis si Entroso sa tabi ng lalaking aniya'y nagparamdam sa kaniya na siya'y mahalaga.

"Hindi ako magsasawa o makakalimot. Lagi niyang tatandaang 'di ko siya iiwan," mensahe ni Entroso sa nobyo.

Inihandog nina Kyla at Angeline Quinto ang awiting "My Only Hope" para sa magkasintahan at kay Joceylyn.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
ASAP
ASAP TLC
love story
comatose
high school
Kyla
Angeline Quinto
Erik Santos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT