'Pantawid ng Pag-Ibig': Kahon-kahon na mga delata, tubig hatid sa mga taga-Malabon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Pantawid ng Pag-Ibig': Kahon-kahon na mga delata, tubig hatid sa mga taga-Malabon

ABS-CBN News
Published Mar 24, 2020 07:29 PM PHT
|
Updated Mar 24, 2020 10:49 PM PHT

MAYNILA - Sa pangangalakal umaasa ang pamilya ng 45 anyos na si Baby Roncales, residente ng Barangay Catamon, Malabon City.

Kaya ngayong may ipinapairal na enhanced community quarantine sa Malabon City, malaking pagsubok sa kanila ang limitadong oras ng paghahanap-buhay araw-araw.

"Bina-budget ko na lang ang mahalaga huwag lang sila malipasan minsan ‘di na ako kumakain sila na lang," ani Roncales.

"Gipit talaga… Asawa ko hindi pinagtrabaho walang sahod tatlong linggo. Pinuputulan na nga kami ng ilaw dahil walang pambayad eh,” dagdag niya.

Ang kapitbahay naman niyang si Gemma Baldos, tumigil muna sa pagtrabaho bilang street sweeper at hindi rin makakapangalakal ang anak.

Kaya naman inaalala niya kung saan kukuha ng pagkain at panggatas ng mga apo niya araw-araw.

"Wala akong magawa. Hindi po kasi kami makapaghanapbuhay nang maayos dahil bawal po lumabas-labas. Ang ginagawa ko pag walang-wala na talaga, inom na lang ng tubig," ani Baldos.

Kabilang sina Baldos at Roncales sa mga pamilyang nasasakupan ng Barangay Catmon.

Sa dami ng tao sa nasabing barangay, malaking hamon umano sa mga pamunuan nito ang pagra-rasyon ng pagkain, ayon sa chairman na si Brian Manapat.

"As much as possible poorest of the poor ang mga inuuna namin iyon talagang walang-wala," ani Manapat.

"Some of these barangay captains kinakausap namin halos sumusuko na dahil sa nangyayari ngayon. Very challenging talaga, pero kinakaya namin," dagdag niya.

Kasama ang siyudad ng Malabon sa mga natulungan ng kampanyang “Pantawid ng Pag-Ibig” ng ABS-CBN na humihikayat sa malalaking kompanyang umagapay sa mga pamilyang naapektuhan ng enhanced community quarantine.

Ilan lang sa mga kompanya ang Century Pacific Food Inc. at Lucio Tan Foundation Inc., na nagpaabot ng libong kahon ng mga delata at inuming tubig sa ilang lokal na pamahalaan, kabilang na ang Malabon.

Malaki ang pasasalamat ng mga nakakuha ng tulong na inabot sa kanilang kalinga.
Malaki ang pasasalamat ng mga nakakuha ng tulong na inabot sa kanilang kalinga.
ADVERTISEMENT
"Hindi ko po kayo mga kilala pero nagpapasalamat po ako sa inyo na malaking bagay po ang naitutulong po ninyo sa amin na mahihirap,” ani Baldos.

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga naging partner ng proyektong ito:

- Century Pacific Foods Inc.
- Rebisco
- Suy Sing Corporation
- Lucio Tan Group Inc.
- McDonald's
- Quick Chow Noodles
- Mega Sardines
- Great Taste 3-in-1
- Sunsilk Shampoo
- Safeguard
- Hana Shampoo
- Champion Detergent
- Unilab
- Ritemed
- Generika Drugstore
- Air21
- Entrego
- Century Pacific Foods Inc.
- Rebisco
- Suy Sing Corporation
- Lucio Tan Group Inc.
- McDonald's
- Quick Chow Noodles
- Mega Sardines
- Great Taste 3-in-1
- Sunsilk Shampoo
- Safeguard
- Hana Shampoo
- Champion Detergent
- Unilab
- Ritemed
- Generika Drugstore
- Air21
- Entrego
Sakaling interesadong magpaabot ng tulong pinansiyal, maaari itong iabot sa mga sumusunod na bank number:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
COVID-19 Philippines update
coronavirus public service
Malabon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT