ALAMIN: Benepisyo sa kalusugan ng sampalok | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Benepisyo sa kalusugan ng sampalok

ABS-CBN News
Published Mar 24, 2019 04:27 PM PHT

Sikat na pampaasim ng sabaw at iba pang mga putahe ang bunga ng sampalok.

Pero hindi lang sa pagluluto may pakinabang ang sampalok dahil mabisa rin itong panlaban sa ilang sakit dahil sa taglay na mga bitamina at mineral.

Sa "Salamat Dok," tinalakay ni Algy Bacla ng Philippine Academy of Naturopathic Medicine (PANMED) kung paano nakabubuti sa kalusugan ng tao ang sampalok.

Ayon kay Bacla, mabisang panlaban ang sampalok sa anemia o iyong pagiging kulang sa dugo na nagdudulot ng panghihina.

"Mataas din 'yong iron niya kasi ginagamit ito especially doon sa mga mahina ang katawan, nagkakaroon ng anemia," sabi ni Bacla.

"They give sampalok as isang prutas na puwedeng magpalakas ng daloy ng dugo," aniya.

Panlaban din ang pinakuluang mga dahon at balat ng sampalok para sa mga sakit sa baga, almoranas, lagnat, sipon at mga impeksiyon.

Kailangan lang pakuluin sa isang litrong tubig ang 2 baso ng dahon ng sampalok at kalahating baso ng kinudkod na balat ng sampalok, ayon kay Bacla.

May taglay din umanong proanthocyanidins ang sampalok na pangontra sa hypertension.
May taglay din umanong proanthocyanidins ang sampalok na pangontra sa hypertension.
ADVERTISEMENT
"Ang pag-inom ng pinaglagaang bunga ng sampalok ay nakakatulong sa pag-refresh ng blood circulation," ani Bacla.

Kung may problema sa atay, nakatutulong din daw ang nilagang bunga ng sampalok.

"Ang sampalok is mabisang panlinis ng liver o liver detoxifier," ani Bacla.

"Mayroon itong mga elements, nutrients that can effectively pull out heavy metal from the liver," dagdag niya.

Isa naman sa mga maaaring pangontra sa problema sa pagdumi ay ang pagkain ng hinog na sampalok dahil sa taglay nitong fiber, ani Bacla.

Mabisa rin ang sampalok sa mga skin condition gaya ng pangangati.

"Puwede po ninyong i-grind 'yong hilaw na sampalok kasama 'yong kaniyang balat at 'yon po ang inyong ipangkukuskos sa inyong mga balat pagkatapos po ninyong magsambon," ani Bacla.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Salamat Dok
kalusugan
sampalok
tamarind
anemia
almoranas
bowel movement
blood circulation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT