Iba’t ibang putahe ng kambing, ibinida sa Pangasinan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Iba’t ibang putahe ng kambing, ibinida sa Pangasinan

Iba’t ibang putahe ng kambing, ibinida sa Pangasinan

Joanna Tacason,

ABS-CBN News

Clipboard

BALUNGAO, Pangasinan – Ibinida ng mga residente ang kani-kanilang skills sa pagluto ng karne ng kambing sa Goat Festival sa nasabing bayan.

May Ramen a la Chevon, Chevon Hong Kong-style with Corn and Mushroom, at mayroon ding Tortang Kambing, Kilawing Kambing, at Sweet and Sour Chevon.

Ang grupo nina Ariel Flores mula sa Barangay Mabini, ibinida ang special Chevon Chunks and Sweet Mashed Potato recipe na may red wine para pampalasa.

Goat Kofta at Goat Tagine with Black Olive na recipe ang niluto naman ng grupo ni Marvin Gamboa. Moroccan-inspired dish umano ito lalo’t nagtrabaho siya sa isang restaurant sa Turkey.

ADVERTISEMENT

Kabilang ang mga recipe na ito sa cookbook na "100 Ways to Cook Chevon" na inilunsad ng lokal na pamahalaan.

Ito ang mga recipe na ginawa ng 20 barangay sa Balungao.

Ayon sa Municipal Agriculture Office, umabot na sa higit 1,000 farmers sa bayan ang nagpaparami ng Anglo-Nubian at Boer na uri ng kambing.

Taon-taon ay nakikilala ang Balungao dahil na rin sa mga kakaibang recipe mula sa kambing.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.