Aray sa puson, iregular na regla, maaaring sintomas ng sakit na nakababaog: doktor | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Aray sa puson, iregular na regla, maaaring sintomas ng sakit na nakababaog: doktor

Aray sa puson, iregular na regla, maaaring sintomas ng sakit na nakababaog: doktor

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 04, 2020 04:27 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagpayo ang isang doktor sa mga babaeng nakararanas ng iregular na regla o kaya'y sobrang pananakit ng puson tuwing 'nagkakaroon' na magpatingin agad sa espesyalista.

Ayon sa doktor, maaaring sintomas na iyon ng endometriosis o kaya'y polycystic ovary syndrome (PCOS).

Ang endometriosis ay isang uri ng sakit kung saan hindi lumalabas lahat ng regla, at sa halip ay naiipon sa loob ng katawan.

Magdudulot ito ng pamamaga sa tuwing magkakaroon ng buwanang dalaw at kalauna'y puwedeng mauwi sa pagkakaroon ng bukol.

ADVERTISEMENT

"It can cause infertility... parami nang parami ang nagkokonsulta kasi hindi sila magkaanak," ani Dr. Maynila Domingo, isang obstetrician-gynecologist.

"The mass, kapag nagkaroon ng bukol, puwedeng andoon pa rin at habang nagkakaedad ang babae, the risk of cancer is higher."

Base sa datos ng World Health Organization, 11 porsiyento ng mga babae sa mundo na nasa reproductive age na 15-44 years old ay may sakit na endometriosis.

Isa sa sintomas nito ay ang masakit na pagreregla.

Ayon kay Domingo, walang lunas ang naturang sakit kaya para di lumala ito, dapat magpatingin agad sa doktor kung madalas na sumasakit ang puson kapag nagreregla.

Isa pang problema ng kababaihan na hindi rin masyadong pinapansin ang PCOS.

Ayon kay Domingo, sa kanilang datos, nasa 27 porsiyento sa mga babaeng nasa reproductive age ang umiinda ng PCOS.

Sabi rin ng doktor, hindi madaling malaman kung PCOS ang sakit dahil iba-iba ang sintomas nito, tulad ng pagkakaroon ng iregular o hindi buwanang regla, pagkakaroon ng taghiyawat, at pagtubo ng buhok sa mga parte ng katawan na mas pangkaraniwan sa lalaki--tulad ng manipis na bigote.

Kaya mainam na magpatingin agad sa espesyalista kung hindi regular ang regla para na rin hindi na lumala kung mayroon mang PCOS.

Ayon sa mga doktor, maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng endometriosis at PCOS ang isang babae.

Maiiwasan din ang pagkakaroon ng ganitong mga sakit kung tama ang diet at lifestyle.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.