TINGNAN: 'Bato ni Ningning,' bagong atraksyon sa Palawan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: 'Bato ni Ningning,' bagong atraksyon sa Palawan

Chinee Palatino,
ABS-CBN News
Published Mar 21, 2017 07:30 PM PHT

Agaw-pansin ang isang higanteng bato sa tuktok ng isang burol sa San Vicente, Palawan.

Hindi naman umano kilala ang lugar na ito dati, ngunit dahil isa ito sa mga naging lokasyon ng Kapamilya teleseryeng ‘Ningning’ noong 2015 ay naging kilala na rin ito at tinawag na "Bato ni Ningning. "

"Ito ‘yung spot kung saan lagi silang nagsu-shooting lalo na si Janna Agoncillo. So since then naging popular na siya tapos tinawag namin siyang Bato ni Nining,” ani Lucy Panagsagan ng San Vicente Municipal Tourism Office.

Pero hindi lang itong napakalaking bato ang atraksyon dito kundi pati na rin ang makapigil-hininga na overlooking view.

ADVERTISEMENT
Sa taas ng burol kung nasaan ang Bato ni Ningning, masisilayan ang 360-degree view ng lugar, kung saan matatanaw ang Sto. Niño Beach, ang malawak na karagatan, ang Mount Capuas, Imuruan Island at sa kabilang bahagi nito ang mga kabundukan.

Dito, mararamdaman ang malamig na hangin at maririnig din ang lagaslas ng mga kugon.
Sulit na sulit na mag-salo salo dito, puwede ring umakyat sa tuktok ng Bato ni Nining para makakuha ng perfect selfie spot. Maganda ring kumuha ng 360 degree video ng lugar para sa mga nag-iipon ng visual diary ng kanilang bakasyon.
Ayon sa Municipal Tourism Office ng San Vicente, may mga turista na ring dumadayo sa Bato ni Ningning. Plano ngayon ng kanilang ahensya na magpagawa na ng view deck dito.
Dalawampung kilometro lang ang layo ng Bato Nining mula sa Poblacion at hindi aabot ng trenta minutos ang byahe. Sa ngayon malubak pa ang kalsada patungo sa bagong tourist destination na ito pero naka-linya na rin naman daw ito para sa road construction.