Pag-inom ng alak, mainam ba sa pakikipagtalik? | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pag-inom ng alak, mainam ba sa pakikipagtalik?

Pag-inom ng alak, mainam ba sa pakikipagtalik?

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 06, 2018 10:52 AM PHT

Clipboard

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Stock Photo

May epekto nga ba sa pagtatalik ang pag-inom ng alak, serbesa, o iba pang kauring inumin ng mga ito?

Maituturing na "pampagana" o aphrodisiac sa pagniniig ang pag-inom ng alkohol, ayon kay Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM.

"'Yong alcohol ay binabawasan niya ang inhibition so mas bigay ka... So it's more of an aphrodisiac pala siya... Kung tama lang ang amount," ani Marquez.

Agad din namang nagbabala si Marquez na dapat ay hinay-hinay lang sa pag-inom ng alkohol dahil kung sosobra, maaari ring makaapekto ito sa negatibong paraan sa pakikipagtalik.

ADVERTISEMENT

"Hindi dapat sobra. Bakit? Kung sa kalalakihan, matutulog siya... Your penis will not be erect... (because of) low blood flow," paliwanag ni Marquez.

Maaari ring maging problema para sa mga kababaihan ang pag-inom, kung masosobrahan. "Alcohol makes you dehydrated... so you will have vaginal dryness."

Dagdag ng doktor, kung nais ang maayos na erection sa kalalakihan at sapat na lubrication naman sa kababaihan, makabubuting hindi masyadong uminom ng alak o serbesa bago at habang nakikipagtalik.

"It [alcoholic beverage] can be an aphrodisiac sometimes, but it's not often thought of as a performance-enhancer in the bedroom," ani Marquez.

"'Pag-inom-inom ng kaunting alcohol, puwede. Kasi it can provoke a sexual desire. Pero kapag sobra, it will take away the performance."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.