Endangered animals tampok sa mga likha ng Pinoy origami artist | ABS-CBN
Endangered animals tampok sa mga likha ng Pinoy origami artist

ABS-CBN News
Published Mar 17, 2019 03:21 PM PHT

Ang Asian elephant at Philippine eagle ay ilan lamang sa mga uri na hayop na itinuturing na endangered o nanganganib nang maubos.

Ang mga naturang hayop din ay kabilang sa mga ipinagmamalaking likha ng Pinoy origami artist na si Sarjit Singh.

Ang origami ay sining ng pagtupi ng papel upang makabuo ng mga palamuting pigura. Nag-ugat ang sining sa bansang Japan.

Ayon kay Singh, pinipili niyang gumawa ng mga pigura mula sa endangered at extinct animals, o iyong mga hayop na naglaho na, upang maipabatid ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga hayop.

ADVERTISEMENT
"'Yong mga bata ngayon kasi di sila aware sa mga endagered animals eh," ani Singh sa programang "Matanglawin."

"So nakakatulong din ako in a way para ma-inform 'yong mga tao or 'yong mga kabataan na itong animal na 'to kailangang maprotektahan ito sa panahon ngayon," aniya.

Bukod sa advocacy na pagprotekta sa mga hayop, ibinida rin ni Singh ang paggamit niya ng papel na dapat sana ay itatapon na.

Kadalasang paper bag mula sa mga fast food restaurant at convenience store ang ginagamit ni Singh sa mga likha.

Ayon kay Singh, bata pa lang siya ay nahilig na talaga siya sa pagbuo ng mga pigura mula sa mga papel, gaya ng eroplano at bangka.

Kalaunan ay nagbasa siya ng mga libro at nag-aral para maging bihasa sa origami.

Bukod sa mga hayop sa tunay na buhay, may mga pambihirang hayop din mula sa mitolohiya at mga katha ang binigyang buhay ni Singh sa pamamagitan ng origami.

Isa rito ang ancient dragon na nagawa sa pamamagitan ng 1,000 tupi.

Mayroon ding bersyon si Singh ng 9-tailed fox mula sa anime na "Naruto."