RECIPE: Pinais na hipon | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Pinais na hipon

RECIPE: Pinais na hipon

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa sa mga paboritong ulamin ng mga taga-Sampaloc, Quezon ang putaheng pinais na hipon.

Sa pagdalaw ni Chef Ruth Se sa programang "Umagang Kay Ganda," ibinahagi niya kung papaano gawin ang naturang ulam.

Ayon sa guest kusinero, ang pinais ay ang pagbabalot ng pagkain sa dahon ng saging.

Upang simulan ang paggawa sa pinais na hipon, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• 1/4 kilo ng hipon
• 2 tasa ng kinayod na buko
• 2 tasa ng sabaw ng buko
• 5 pirasong bawang
• Asukal
• Asin
• Dahon ng saging
• Dahon ng gabi o kamamba
• Hibla ng buli

ADVERTISEMENT

Pagsama-samahin ang kinayod na buko, asukal, asin, bawang at hipon, haluin at ibabad sa loob ng 30 minuto.

Lagyan ng sapin ng dahon ng kamamba o gabi ang dahon ng saging na pagbabalutan.

Balutin ang tinimplahang hipon gamit ang dahon ng saging at kamamba o gabi, itupi at talian ito gamit ang hibla ng buli.

Paghaluin ang sabaw ng buko, asukal at bawang at dito pakuluan ang mga binalot na hipon sa loob ng 20-30 minuto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.