Miss Supranational 2013 winner, nagtatrabaho pa rin sa hardware store | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Miss Supranational 2013 winner, nagtatrabaho pa rin sa hardware store

Miss Supranational 2013 winner, nagtatrabaho pa rin sa hardware store

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA – Tuloy pa rin ang simpleng pamumuhay ni Mutya Datul sa kabila ng kanyang pagkapanalo sa Miss Supranational pageant noong 2013.

Sa panayam sa entertainment website na Pep, ibinahagi ni Mutya na nagtatrabaho pa rin siya ngayon bilang checker ng resibo sa isang hardware store sa Caloocan.

Aniya, siya ang breadwinner ng kanyang pamilya at kailangan niya ng sapat na kita para sa mga bayarin.

“Marami akong bills na binabayaran, kailangan ko talaga ng monthly income kaya nagtatrabaho ako sa hardware bilang checker ng mga resibo,” ani Mutya.

ADVERTISEMENT

“Naniniwala kasi ako na kapag continuous ang work, makakaipon ka nang marami,” dagdag niya. “Ako ang breadwinner ng pamilya. Taga-Isabela kami.”

Ayon kay Mutya, patuloy ang kanyang pagtatrabaho sa hardware store dahil mahal ang renta ng tinitirahan niyang condominium sa Cubao.

“May natitira naman [sa kita ko], pangkain na lang,” pagbahagi ng beauty queen, na araw-araw na nagko-commute para makapasok sa trabaho.

Maliban sa kanyang trabaho sa hardware store, kumikita si Mutya sa mga proyekto niya sa Viva Films kung saan isa siyang talent.

Masaya niyang ibinahagi sa Pep na kasama siya sa “Sanggano, Sanggago, at Sanggwapo,” ang reunion movie nina Janno Gibbs, Andrew E., at Dennis Padilla.

Nakilala si Mutya bilang kauna-unahang Pinay na titleholder ng Miss Supranational pageant.

Sa ngayon ay wala pa ring ibang kandidata mula sa Pilipinas na nakapanalo ng korona.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.