Bibingkang pinalamanan ng munggo patok sa Cavite City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bibingkang pinalamanan ng munggo patok sa Cavite City

Bibingkang pinalamanan ng munggo patok sa Cavite City

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi gaya ng pangkaraniwang bibingka, natatangi ang Aling Ika's Bibingkoy ng Cavite City dahil sa palaman nitong munggo at malinamnam na sauce.

Dekada '40s pa lang ay gumagawa na ng "bibingkoy" si Aling Ika, ang ina ni Lolit Alejo na siya nang nagluluto at nagtitinda ng nasabing kakanin.

"Talagang 'di ako ang may-ari niyan kundi ang nanay ko," ani Alejo sa panayam ng "Rated K."

"Dahil ako ang kasa-kasama niya sa palengke, natutunan ko 'yan. Pati sa bahay, ako kasama niya sa kusina," kuwento niya.

ADVERTISEMENT

Todo-kayod si Alejo at ang kaniyang mga katuwang dahil alas-2 ng madaling araw pa lang ay naghahanda na sila sa paggawa ng "bibingkoy."

Sa paggawa ng "bibingkoy," minamasahe muna ang galapong saka imamasa.

Sunod ay lalagyan ng mantika ang dahon na paglalagyan ng kakanin para "'pag niluto, hindi sila kakapit," ani Alejo.

Lalagyan naman ang galapong ng munggo.

Bukod sa munggo, isa pa sa nagpapasarap sa "bibingkoy" ang sauce nito na gawa sa pinaghalong gata, sago, langka at bilo-bilo.

Alas-6 ng umaga kadalasang natatapos magluto sina Alejo.

Halos pakyawin raw ang "bibingkoy" ng mga suki lalo at nabibili ang kada piraso nito sa halagang P10.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.