RECIPE: Sinigang na hipon sa gata | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lifestyle
RECIPE: Sinigang na hipon sa gata
RECIPE: Sinigang na hipon sa gata
ABS-CBN News
Published Mar 12, 2018 05:07 PM PHT
Isa ang sinigang sa mga paboritong putahe ng mga Pinoy, pero posible pang patingkarin ang lasa nito kapag hinaluan ng gata.
Isa ang sinigang sa mga paboritong putahe ng mga Pinoy, pero posible pang patingkarin ang lasa nito kapag hinaluan ng gata.
Sa programang "Umagang Kay Ganda," ibinahagi ng guest kusinerang si Rina Viviezca ang kaniyang recipe ng ulam na sinigang na hipon sa gata.
Sa programang "Umagang Kay Ganda," ibinahagi ng guest kusinerang si Rina Viviezca ang kaniyang recipe ng ulam na sinigang na hipon sa gata.
Narito ang mga sangkap na kailangang ilatag:
• 1 ulo ng bawang (tinadtad)
• 2 ulo ng sibuyas (hiniwa)
• 1 kutsarang luya (hiniwa)
• 1 kutsarang luyang dilaw (hiniwa)
• 1/2 kilong hipon
• 1 tasa ng bunga ng kamias o sampaloc
• Paminta
• Asin
• Tubig
• 1 buong niyog (pinakayod at piniga)
• Dahon ng malunggay (optional)
• Dahon ng sili (optional)

Gisahin ang bawang, sibuyas, at luya.
Gisahin ang bawang, sibuyas, at luya.
ADVERTISEMENT
Sunod ay lagyan ng tubig ang mga ginisang sangkap at samahan ng mga bunga ng sampaloc o kamias. Maaaring pisain ang mga kamias kapag lumambot na ang mga ito.
Sunod ay lagyan ng tubig ang mga ginisang sangkap at samahan ng mga bunga ng sampaloc o kamias. Maaaring pisain ang mga kamias kapag lumambot na ang mga ito.
Lagyan ng dinikdik na katas ng ulo ng hipon at paminta.
Lagyan ng dinikdik na katas ng ulo ng hipon at paminta.
Kapag kumulo na, ilagay ang laman ng hipon at gata, at saka timplahan ng asin ayon sa panlasa.
Kapag kumulo na, ilagay ang laman ng hipon at gata, at saka timplahan ng asin ayon sa panlasa.
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
recipe
cooking
sinigang na hipon sa gata
hipon
sinigang
gata
UKG
Umagang Kay Ganda
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT