Ipinagmamalaking kakanin sa Quezon gawa sa pananim na bihirang anihin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ipinagmamalaking kakanin sa Quezon gawa sa pananim na bihirang anihin

ABS-CBN News
Published Mar 11, 2019 04:05 PM PHT

Ipinagmamalaki ng isang barangay sa bayan ng Catanauan, Quezon ang isang uri ng kakanin na gawa sa pananim na isang beses kada taon lamang inaani sa kanilang lugar.

Tinatawag na sinalab na uraro ang putahe na gawa sa arrowroot o uraro na tinatanim ng mga residente ng Barangay Matandang Sabang Kanluran.

"Dito po sa amin... pagka may tanim ka po ng niyog, dito po sa ilalim, para hindi masayang ang lupa, tinataniman po namin ito ng uraro," kuwento ng barangay chairman na si Fely Torres.

"Sa loob po ng 1 taon magkakaroon po ito ng pag-aani. Kapag po ito ay naanihan niyo na, hindi niyo na po kailangan pa uling magtanim sapagkat ito po ay kusa na po uling tutubo," dagdag niya.

Madali man itanim, pahirapan naman bago matikman ang sarap ng uraro.

Matapos kasing bungkalin, huhugasan muna ito at gigilingin hanggang sa maging pino. Sunod naman ay huhugasan at pipigain.

Ang pinagpigaan ay ibibilad hanggang sa matuyo na parang harina.

May iba-ibang paraan ng pagluluto sa uraro. Puwede itong haluan ng saging na saba, niyog, o kaning bahaw.