TINGNAN: Mga dekorasyong gawa sa lumot | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga dekorasyong gawa sa lumot

TINGNAN: Mga dekorasyong gawa sa lumot

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 10, 2019 07:04 PM PHT

Clipboard

Kung naghahanap ng mga halamang pampaaliwalas sa loob ng gusali at madaling alagaan, puwedeng subukan ang "terrabulb" na likha ng Marvz Conti.

Si Conti ang founder at creator ng Habil Crafts, na gumagawa ng mga handicraft o mga dekorasyong yaring kamay na may kinalaman sa mga halaman.

Isa sa mga alok ng Habil Crafts ang "terrabulb" o iyong mga malalaking bumbilyang naglalaman ng mga lumot.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kuwento ni Conti, na-inspire siyang maimbento ang "terrabulb" nang lumipat pabalik ng Maynila galing Cavite.

ADVERTISEMENT

Nang bumalik daw kasing Maynila, na-miss umano ni Conti na makakita ng mga puno at mag-alaga ng mga halaman. Dahil walang espasyo sa tirahan, gumawa na lang siya ng dekorasyon mula sa lumot.

Madali rin lang daw alagaan ang mga "terrabulb," ayon kay Conti.

"'Yong mga moss kasi na ginagamit namin is very easy to care, low maintenance siya. Hindi na niya kinakailangan ng water o sunlight," aniya.

Inangkat na reindeer moss pa ang ginagamit ni Conti sa mga produkto. Ito ay uri ng lumot na kinakain ng mga reindeer sa Europa.

Silver at puti ang tunay na kulay ng reindeer moss pero nilalagyan ito ng natural dyes at glycerin para maiba ang kulay, mapanatiling malambot at tumagal ng ilang taon.

Hangad ni Conti na sa pamamagitan umano ng kaniyang mga likha ay mahikayat niya ang ibang tao na mapangalagaan ang kapaligiran.

"Mayroon tayong tendency na mag-reconnect sa nature," ani Conti.

"Sa pagkakaroon natin ng different plants or greenery sa bahay, nagkakaroon tayo ng connection sa nature," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.