TFC News

TINGNAN: Pinoy flutist sa Spain ginawaran ng Ani ng Dangal award

Sandra Sotelo-Aboy | TFC News Spain

Posted at Mar 09 2023 12:00 PM

BARCELONA- Isa si Rafael Adobas Bayog sa awardees ng ika-15 Ani ng Dangal Awards ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa music category.

Ginanap ang awarding ceremony noong February 22, 2023 sa Ceremonial Hall ng Malacañang Palace. Hindi nakadalo si Adobas sa araw ng parangal dahil nasa Kobe, Japan siya para tanggapin ang kanyang premyo sa kompetisyon at mga konsiyerto.

solo
Photo credit: Fredrik Ekdahl 
trophy
Photo credit:  Rio Montencillo

Tinanggap ng kaniyang tiyahin na si Susan Bayog de Vera ang parangal sa Malacañan bilang kanyang kinatawan.

malacanan
Photo credit: NCCA
flute and piano
Photo credit: Isabel Adobas
bulawagan
Photo credit: Joidy Blanco
shakehands
Photo credit: Kie Ishii

Ipinanganak at lumaki sa Ibiza, Spain si Adobas at kilala na sa Europa bilang Filipino-Spanish flutist na patuloy na umaani ng local at international awards dahil sa kanyang husay sa pagtugtog ng plauta.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.