Bakit sitsirya ang inulam ng ‘viral’ na sekyu sa Davao? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit sitsirya ang inulam ng ‘viral’ na sekyu sa Davao?

Bakit sitsirya ang inulam ng ‘viral’ na sekyu sa Davao?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang security guard ang pinag-usapan kamakailan sa social media dahil sa retratong tampok siya habang nag-uulam ng sitsirya sa kanin.

Umani ng higit 136,000 reactions at 6,000 shares sa Facebook ang retrato ni Aries Abas, isang 40 anyos na guwardiya ng isang mall sa Davao City.

Ayon kay Abas, may mga pagkakataong nag-uulam siya ng sitsirya para matipid ang sahod, na pantustos sa pangangailangan ng kaniyang pamilya at pag-aaral ng kaniyang 5 anak sa Pikit, North Cotabato.

“’Yon ang iniisip ko para sa pamilya ko. Hindi na baleng ako ‘yong mahirapan sa aking buhay, importanteng makapag-aral ‘yong mga anak ko,” ani Abas sa panayam ng “Rated K.”

ADVERTISEMENT

Ayon kay Abas, bata pa lang siya ay sanay na siyang magtiis sa hirap ng buhay. Naranasan umano niyang toyo lang ang nilalagay sa kanin dahil wala silang ulam.

Dating driver ng trisikad at nagtatrabaho sa construction site si Abas pero pinili niyang mawalay sa pamilya at magtrabaho bilang security guard para makakita ng mas malaking halaga.

Nilinaw din naman ni Abas na hindi sa lahat ng pagkakataon ay sitsirya ang kaniyang inuulam.

Sa tulong ng “Rated K,” nabigyan ng pagkakataon si Abas na makapiling at mapasyal ang kaniyang pamilya sa loob ng isang araw.

Naghahanap na rin ng programa, katuwang ang Lingkod Kapamilya, ng eskuwelahang magbibigay ng scholarship sa panganay na anak ni Abas na nais maging pulis.

Nagbigay din ang programa ng dagdag-puhunan at dagdag-paninda sa tindahan ng kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.