RECIPE: Beef kaldereta with gata and peanut butter | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Beef kaldereta with gata and peanut butter
RECIPE: Beef kaldereta with gata and peanut butter
ABS-CBN News
Published Mar 05, 2020 12:38 PM PHT

MAYNILA — Isa sa itinuturing na "all-time" favorite Pinoy dish ang kaldereta.
MAYNILA — Isa sa itinuturing na "all-time" favorite Pinoy dish ang kaldereta.
Pero para bigyan ito ng mas makremang lasa, maaari pa itong lagyan ng gata at peanut butter.
Pero para bigyan ito ng mas makremang lasa, maaari pa itong lagyan ng gata at peanut butter.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Huwebes ang Guest Kusinero na si Rolando Dela Cruz para ibahagi kung paano magluto ng kaldereta na may gata at peanut butter.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Huwebes ang Guest Kusinero na si Rolando Dela Cruz para ibahagi kung paano magluto ng kaldereta na may gata at peanut butter.
Narito ang mga sangkap:
- 1/4 kilong baka
- 1 pirasong bawang
- 1 pirasong sibuyas
- 1 pirasong patatas
- 1 pirasong siling pula/bell pepper
- 1 pirasong carrots
- 2 kutsarang liver spread
- 3 kutsarang peanut butter
- 2 kutsaritang asin
- 1/2 kutsaritang pamintang durog
- 1/2 tasang gata
- 1/2 tasang tomato sauce
- 1 pirasong siling labuyo
- 3 kutsaritang cheese
- 1/4 kilong baka
- 1 pirasong bawang
- 1 pirasong sibuyas
- 1 pirasong patatas
- 1 pirasong siling pula/bell pepper
- 1 pirasong carrots
- 2 kutsarang liver spread
- 3 kutsarang peanut butter
- 2 kutsaritang asin
- 1/2 kutsaritang pamintang durog
- 1/2 tasang gata
- 1/2 tasang tomato sauce
- 1 pirasong siling labuyo
- 3 kutsaritang cheese
Paraan ng pagluluto:
Pakuluan nang 10 hanggang 15 minuto ang baka. Itabi ang pinagkuluan.
Pakuluan nang 10 hanggang 15 minuto ang baka. Itabi ang pinagkuluan.
ADVERTISEMENT
Igisa ang karne sa bawang at sibuyas hanggang maging kulay brown ito.
Igisa ang karne sa bawang at sibuyas hanggang maging kulay brown ito.
Ilagay ang peanut butter at pinagkuluan ng baka. Takpan at hayaang kumulo sa loob nang 15 hanggang 30 minuto hanggang sa lumambot ang karne.
Ilagay ang peanut butter at pinagkuluan ng baka. Takpan at hayaang kumulo sa loob nang 15 hanggang 30 minuto hanggang sa lumambot ang karne.
Ilagay ang tomato sauce, gata, sili, patatas, at carrots. Takpan at hayaang maluto ang mga gulay.
Ilagay ang tomato sauce, gata, sili, patatas, at carrots. Takpan at hayaang maluto ang mga gulay.
Timplahan ng asin, paminta, at tinunaw na liver spread.
Timplahan ng asin, paminta, at tinunaw na liver spread.
Maaari nang ihain ang beef kaldereta with gata and peanut butter
Maaari nang ihain ang beef kaldereta with gata and peanut butter
Read More:
Beef Kaldereta
Umagang Kay Ganda
recipe
Pinoy dishes
Pinoy dishes with twist
baka
beef
beef caldereta
kaldereta
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT